^

PSN Opinyon

Paano kung wala ang media?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAMANG-DAMA ng mga practicing journalist na nalili­mitahan ang kanilang karapatang magpahayag ng kato­tohanan.

Palibhasa, sa kaunting pagpuna ng mga mamamahayag kapag nagkakamali ang administrasyon, tila hindi ito naiibigan ng Pangulo.

Ramdam ito sa body language ng bawat sangay ng pamahalaang kapanalig ng Pangulo. Ang Pangulo mismo at kanyang Gabinete pati ang Mababang Kapulu­ngan ay nagpapanukala at nagpapatupad ng paghihigpit sa media. Pinapawalang-bisa o inaantala ang pagrere­histro at renewal ng prangkisa na kailangan sa operasyon ng ilang media organization.

Pati ang galaw ng mga mamamahayag, lalo na yung bumabatikos sa gobyerno ay minamatyagan at natural lamang na madulot ito ng kaba sa mga mamamahayag.

Masasabi ko na may psychological grip ang Pangulo sa malayang pamamahayag. Nakakabahala kung magbalik ang panahon ng diktadurya na ang bawat isusulat o ibobrodkas ay idinidikta ng kapangyarihan sa itaas. Ang media ay mahalagang sangkap ng demokrasya. Salamin ito para makita ng administrasyon kung ito ay nasa tamang direksyon at maituwid ang mga hindi sinasadyang pagkakamali nito.

Kapag malaya ang pamamahayag, napipigilan lalo ang katiwalian sa mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan. Hindi tungkulin ng media ang pumuri bagamat kung minsan, ginagawa ito sa mga natatanging nagawa ng pamahalaan sa kapakinabangan ng mamamayan.

Para sa akin, dapat purihin ang kapuri-puri nang wa­lang kapalit na pabor para magsilbing motibasyon sa mga opis­yal at tauhan ng gobyerno at ipagpatuloy ang magandang gawain. Pero kung naliligaw na ng landas, hindi dapat mangiming tumuligsa ang mass media kahit ang pinakamataas pang leader ang tamaan sapagkat ang media ang nagsisilbing mata at teynga ng taumbayan

vuukle comment

PRES. RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with