^

PSN Opinyon

Land Reform in, Casino out sa Boracay!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGLULUNDAGAN sa galak at halos maglupasay sa lupa ang mga local ng mala-paraisong isla ng Boracay ng marinig nila sa bibig ni Boss Digong na ibibigay na lamang nito ang mga lupain sa isla kasi nga isa itong agricultural land sa pamamagitan ng land reform.

Halos hindi makahinga sa tuwa ang mga local sa isla dahil sa paguumapaw sa tuwa sa sinabi ni Boss Digong.

Sabi nga, sa wakas magkakaroon sila ng masasaka!

Thank you, Lord!

Birada ni Boss Digong bago ito tinulak este mali pumunta pala sa China para sa Boao business forum  ma ‘consider Boracay a land reform area. I will give it to the farmers. Filipino first.’

Oh, di ba mas napaganda pa ang desisyon ni Boss Digong kaysa magtayo ng mala-impiernong casino sa lugar.

Kamakailan ay inaprubahan ni Boss Digong ang rekomendasyon na isara ang Boracay island sa loob ng 6 months para sa rehabilitation nito.

Ang tinaguriang ‘paraisong isla,’ kasi ay binaboy at sinalaula kaya naman bumantot ito at nagkalat ang iba’t-ibang klase ng dumi hindi lang sa isla kundi maging sa baybayin dagat.

Natutuwa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mismo ang tatlong itlog este mali secretaries pala ng tatlong ahensiya ng gobierno ang nagsalita at nagbigay ng rekomendasyon kay Boss Digong na isara ang Boracay sa loob ng 6 months.

Tirada ni Boss Digong, magpapalabas siya ng proclamation na nagdedeklara na ang Boracay ay isang agricultural land at isasailalim niya ito sa land reform upang ipamahagi ang lupa sa mga magsasakang Pinoy.

Bukod pa dito, nakahanda ang gobierno na maglaan pa ng P2 billion mula sa calamity fund para tulungan ang mga apektadong mahihirap na madlang pinoy sa pagsasara ng Boracay island.

Sabi pa ni Boss Digong, uunahin muna ang rehabilitasyon at paglilinis ng Boracay island bago niya ito isailalim sa land reform at ipamahagi ang lupain sa mga magsasaka.

Hindi biro ang decision making ni Boss Digong tungkol dito.

Napanganga ang mga nagbabalak na magtayo ng US$.5 billion resort sa 23 hectares property casino na popondohan ng Galaxy Entertainment ng Macau at Filipino pakner nito dahil naunsyami ang kanilang panaginip.

Dapat lang ang ginawa ni Boss Digong dahil duda si Cimatu na makakaya pa ng kapasidad ng isla ang paparaming itatayong negosyo dito at madlang people na tumutuntong ng Boracay.

Tama na nga ang nangyari para hindi na rin mag-ingay si ArchBishop Emeritus Oscar Cruz sa planong paglalagay nang casino.

Sa pangyayaring ito maiiwasan ng probinsiya na magumon sa masamang bisyo ang kanilang mga kababayan sa sugal at iba pang madlang people.

vuukle comment

LAND REFORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with