^

PSN Opinyon

Itaas ang kalidad ng edukasyon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKIKITA natin ang pagsisikap ng pamahalaan na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Isa sa mga pang-unang hakbang na naisakatuparan na ay ang tinatawag na K to 12 na nagdaragdag ng taon sa pag-aaral ng mga estudyante upang kahit high school lang ang natapos ay puwede nang makapagtrabaho.

Ngunit hindi lang naman iyan ang layon ng K to 12. Layunin din nito na bigyan ng mas magandang preparasyon ang mga estudyanteng papasok sa kolehiyo. Ang isang nakikita nating sagabal sa pagtatamo ng de-kalidad na edukasyon ay ang kakulangan ng mga guro. Sa ngayon, ang ratio ng mga guro sa estudyante ay: isang guro sa bawat 50 mag-aaral. Bakit? Marami kasi sa mga propesyonal ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil kikita sila ng mas malaki doon imbes na gampanan ang kanilang pinag-aralang propesyon sa sariling bansa.

Itinaas na ang sahod ng mga guro sa pribadong paaralan pero patuloy pa rin ang problema ng kakulangan ng mga teachers. Kasi nga, mas nakakaakit ang sahod na iniaalok ng mga employers sa ibayong dagat.

Pinupuntirya umano ng Department of Education (DepEd) na lalo pang mapapababa ang teacher-student ratio sa mga pampublikong paaralan sa darating na school year 2018-2019 para maging 1 is to 25.

Ani DepEd Undersecretary for Planning and field Ope­rations Jesus Mateo,  sa ganito ay  matutukan ng husto ng mga teachers ang pag-aaral ng mga estudyante. Tama ang konsepto, pero paano magdaragdag ng guro kung ang marami sa kanila ay nangibang bansa para humanap ng tinatawag na greener pasture? Walang pinag-iba iyan sa kalagayan ng mga medical practitioners na pinipiling mag-abroad na lang dahil napakalaki ng ginugol sa pag-aaral pero kakaunti ang sinasahod sa loob ng sariling bansa.

Tingin ko, hangga’t hindi nalalagay sa ayos ang kalagayan ng ekonomoya natin, patuloy na iiral ang problema. Ang isang solusyong nakikita ko ay pabayaan munang magsilbi ng isang taon sa bansa ang mga guro bago pahintulutang mag-abroad. Tiyak maraming tututol sa ideyang ito. Ngunit kung sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mag-aaral, marahil ay ipakita natin ang totoong pagmamalasakit sa Inambayan.

vuukle comment

EDUKASYON

K TO 12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with