^

PSN Opinyon

Si Lim at Digong sa puso ng madlang Pinoy

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INALMAHAN ni dating Manila Mayor Fred ‘Dirty Harry’ Lim, ang mga batikos ng mga kritiko laban kay Boss Digong ang kanyang matagal ng kasangga dahil naiirita din ang una sa mga ibinabatong mga kasinungalingan sa pangulo.
 Sabi nga, huwag naman ganyan boys!

Ang isang masungit na bumabatikos kay Boss Digong ay si Zeid Ra’ad al Hussein, ng United Nations’ High Commissioner for Human Rights, kung anu-anong paratang ang pinaggagawa nito kaya naman dehins na lang siya pinapansin ni Boss Digong.

Ika nga, bahala ka sa buhay mo!

Gusto kasi ni Zeid na magpatingin ang pangulo para sa kanyang psychiatric examination.           

Naku ha!

Ano ba ito?

Ipinaliwanag ni Fred, ang ginagawang pambabastos sa pangulo ay pambabastos din sa madlang Pinoy na naniniwala at bumoto dito.

Sabi ni Lim, marami bumabanat kay Boss Digong lalo na ang human waste este mali rights pala dahil na rin sa ibang istilo nito para labanan ang lahat ng uri ng krimen, korupsyon bukod pa sa mga bandidong naghahasik ng lagim sa Philippines my Philippines.

Malinaw sa madlang Pinoy puera siempre ang mga kontrabida kay Boss Digong na limited lamang ang mga personalidad at mga kalaban sa pulitika ng administrasyon ngayon ang mga nakakausap kaya naman kapag sila ang nagsalita paninira ang lumalabas sa bibig ng mga ito.

Dahil nga, marumi ang utak nila.

Sabi ni Lim, hindi pambobola ang mga ipinangako ni Boss Digong noong nangangampanya pa ito sa pagka-pangulo kundi ang mga sinabi niya sa madlang public ay isa-isa ng nagkakaroon ng pagbabago.

Sabi nga, Santa Claus is coming to town este mali change is coming pala!

Bida ni Lim, may paninindigan si Boss Digong nangako ito kaya tinutupad niya ang promise niya sa madlang people.

Kambiyo kuento, nanumpa na si Lim sa PDP - Laban party porke siya ang piniling official candidate for Mayor sa Manila sa 2019.

Alam ng partido kung paano mag-trabaho si Dirty Harry lalo’t sa mga mahihirap at alam din nila kung paano niya labanan ang mga kriminal sa kalsada ng Maynila.

Sabi ni Lim, change is coming sa Manila!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with