^

PSN Opinyon

High-profile na ang kaso

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UMUSAD na, sa wakas, ang kaso laban sa mga akusado sa fatal hazing ni Horacio “Atio” Castillo III, na sumali sa Aegis Juris Law Fraternity. Sam­pung miyembro ng Aegis Juris ang hinabla dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law, habang si John Paul Solano, ang unang nagpanggap na “Good Samaritan” kay Castillo ang hinabla dahil sa pagsisinungaling at tangkang pagtakpan ang krimen. Ang mga reklamo naman laban kay UST Law Dean Nilo Divina naman ay ibinasura. Pinangalanan ang sampung miyembro ng fraternity. Baka hindi na magtagal ay maglabas na ng warrant of arrest sa kanila. May ilang pinangalanan na iniim­bestigahan pa kung kakasuhan din. Ang testigo para sa estado na si Marc Ventura ang tila alas ng gobyerno laban sa mga akusado. Sa kanya ga­ling ang mga pangalan ng mga akusado ngayon.

Gusto kong malaman kung pinag-aaralang kasuhan din ang mga nagplanong pagtakpan ang krimen sa Facebook. Karamihan mga abogado na at miyembro rin ng Aegis Juris. Malinaw na mas mahalaga ang proteksyonan ang mga “brod” kaysa mabigyan ng hustisya ang napatay. Mga nagbigay ng mga mungkahi at kilos para pagtakpan ang krimen. Mapapailing ka talaga sa mga sinabi sa Facebook na ngayon ay binura na. Mabuti na lang at may naka-save ng mga pag-uusap.

High-profile na ang kasong ito. May “state witness” pa ang gobyerno. Marahil ay masasabing sarado na ang kaso. Pero batay sa mga nakaraang kaso ng hazing kung saan may napatay, hindi ganyan ang nangyayari. May mga naaabswelto, may mga nabibigyan ng mas magaang parusa. May mga iba na nakapagtuloy pa sa pagiging abogado. At banggitin ko na rin na may mga hindi man lang nakakita ng loob ng hukuman. Sana ay iba naman ang maging kahihinatnan ng pagpatay kay “Atio”. Sana mabigyan ng hustisya ang kanyang pa­milya, partikular ang kanyang mga magulang, sa pamamagitan ng nararapat na hatol at parusa para sa mga pumatay sa kanya. Maging babala na rin sa mga fraternity na nagsasagawa pa rin ng hazing sa mga nais maging miyembro nila. Maging babala na rin sa mga nais pa ring ma­ging miyembro ng mga fraternity. Huwag na lang sumali kung hazing pa rin ang kinakailangan para makapasok.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with