^

PSN Opinyon

Konting respeto naman sa mga dating Presidente

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y naiinis sa inaasal ng Comelec na parang gusto pang sumawsaw sa issue ng dengvaxia. Iniimbestigahan na nga ito sa Senado at Kamara mukhang gusto nila sila rin mag-imbestiga. Parang over kill naman na yata ang gustong gawin kay P-noy ngayon. Ang dapat sana hintayin ng Co­melec ang resulta ng imbestigasyon ng mga mamba­batas saka sila gumawa ng aksiyon kung napatunayang may nilabas nga ang kampo ni Ex-President Noynoy Aquino.

Hindi trabaho ng Comelec ang mag-imbestiga. Ang trabaho n‘yo tiyaking malinis ang record ng mga botante. Habulin n’yo ang mga flying voters na usong-uso sa buong bansa tuwing sasapit and election. Diba ilang libong flying voters ang nairehistro nyo sa Pasay City. Pasay pa lang yan paano na sa ibang mga lugar. Tingnan nyo din ang mga record ng mga pulitikong sangkot sa iba’t ibang kabulastugang ginagawa. Sangkot sa droga at krimen.

Una sa lahat kahit wala na sa puwesto ang mga dating­ Presidente siguraduhin naman nating mabigyan sila ng respeto, karangalan at dignidad na karapat-dapat naman sa kanila. Porke’t wala na sila sa Malacañang pwede na silang kastiguhin ng kahit sino? Sa tuwing nagkikita kami ni Ex. Pres. Fidel V. Ramos sa isang pagtitipon tinatawag ko pa rin siyang Mr. President. Itong mga taga-Comelec sawsawin. Imposibleng walang ibang problema sa opisina nyo. Walang karapatang ipatawag si dating President Noynoy ng ibang minor na opisyal ng Comelec. Mabuti si P-Noy dumadalo sa hearing ng Senado at Kongreso tungkol sa Dengvaxia na sa aking palagay ay hindi naman niya dapat gawin.

‘Yung ginawa ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Rep. Gloria Arroyo, na-demote dahil ayaw nyang sumanib sa mga majority decision at tanggap naman niya ang ginawa ni Alvarez sa kanya.

Meron pa tayong apat na dating Presidenteng buhay. Itrato naman natin sila ng may respeto kasi minsan na silang namuno sa ating bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with