^

PSN Opinyon

Di na uso ang ‘check against delivery’ at teleprompter

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

KARANIWANG ginagawa noon ng mga nagdaang Presidente ay binabasa ang mga nakahandang talumpati. ‘Ika nga prepared speeches.

Sa madaling salita, binabasa na lang ng mga dating Presidente na sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino ang kanilang nakahandang speeches mapasaanmang pagtitipon.

Binabasa nila ang talumpati sa pamamagitan ng teleprompter na nilalagay sa mga magkabilang harap sa rostrum. Malaki ang tulong ng teleprompter kasi nga hindi na kailangang i-memorize ang speech.

Kaya para sa mga mamamahayag, lalo na sa mga mi­yembro ng Malacañang Press Corps, ay naging practice na binibigyan sila ng advance copy ng speech.

At habang hawak-hawak ng mga mamamahayag ang kani-kanilang kopya ng talumpati, ito ay kanilang “check against delivery”. 

Ang ibig sabihin ng “check against delivery” ay kailangang tingnan ng maigi ang kopya ng speech kung magkatugma ba ang sinasabi ng speaker. At kung may mga pagbabago at dinagdag o kung hindi ay may mga bahaging hindi naman actual na sinabi, ito ay tinitingnan nga sa hawak na kopya ng speech. Kung anumang mga pagbabago sa talumpati ay agad ginagawan ng correction. 

Ganun na nga ang naging practice ng mga mamamaha­yag noon sa tuwing may talumpati ang mga naging Presidente. 

Ngunit nag-iba ang lahat nang maging President si Rodrigo Duterte. 

Unang-una ay hindi gumagamit si Duterte ng teleprompter. Nakikita naman sa lahat ng kanyang talumpati simula nang nanungkulan siyang President noong Hunyo 30, 2016, na tanging sa inauguration, State of the Nation Address  lang siya gumamit ng teleprompter.

At sa state visits sa ibang bansa lang siya nagbabasa ng prepared speeches.

Nakikita naman sa live TV sa RTVM o sa PTV4 na ayaw ng Presidente ang magbasa ng prepared speeches kahit na nga na may parating nakahandang kopya para basahin niya kung sakali lang na feel niya. 

Hindi naman pupuwedeng paghandaan kung kailan siya mag-P….. I..  kaya talagang mahirap para sa kung sino mang magsusulat ng prepared speeches ng Presidente.

Imbes na advance copy ng speech ni Duterte ang inaatupag ng communications team ng Malacañang ay ilabas agad ang transcription ng talumpati niya, kasali na lahat ng P….. I.. at iba pang cuss words na kanyang mabigkas.

Ito ‘yong panahon na hindi mo alam kung ano ang sa­sabihin ng President ekaya kailangang nakatutok talaga sa sasabihin niya. Kahit minsan paulit-ulit na ang kanyang mga tinatalakay ay mahalaga pa rin na maiging pagtuunan ng pansin ang kanyang talumpati kung sakali mang may bago siyang pronouncements. 

Ito ay dahil Presidente  na si Duterte at mahalagang nakatutok ang bansa sa kanyang bawat salita. 

vuukle comment

CORAZON AQUINO

FIDEL RAMOS

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with