^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang makipagmabutihansa CPP-NPA

Pilipino Star Ngayon

PAGSASAYANG lamang ng panahon ang pakiki-pag-usap sa Communist Party of the Philippines (CPP). Wala ring kahahantungan ang pag-uusap sapagkat hindi naman kontrolado ng partido ang kanilang hukbong New People’s Army (NPA). Habang nag-uusap ang gobyerno at CPP, sumasalakay ang NPA. So, ano pa ang saysay ng pakikipag-usap.

Nakadagdag pa ang mga hindi makataong pag-ambush ng NPA sa mga sundalo at pulis na ang misyon ay hindi naman para makipaglaban kundi reresponde lamang sa mga nangyaring krimen sa lugar. Isang halimbawa ay ang pag-ambush sa apat na pulis sa Dansalan, Davao del Norte noong nakaraang Miyerkules. Ang mga pulis ay mag-iimbestiga lamang sa isang nangyaring patayan sa Bgy. Sibayan nang tambangan. Namatay on the spot ang apat na pulis samantalang nakatalon sa sasakyan ang isa at nakaligtas. Ayon sa nakaligtas, nasa bahaging bulubundukin sila nang tambangan ng mga armadong kalalakihan na tiniyak niyang mga NPA.

Dinalaw ni President Duterte ang mga napatay na pulis na kinabibilangan ng isang babae. Nang kapanayamin, sinabi ng Presidente na pinahihintulutan niyang gamitan ng air strike ang NPA sa lugar. Bakas sa mukha ng Presidente ang galit sa mga rebeldeng pumatay sa apat na pulis.

Noong nakaraang Pebrero, sinabihan niya ang mga sundalo na linisin ang mga baril at maghanda sa pakikipaglaban sa NPA. Nagalit ang Presidente nang brutal na patayin ng NPA ang tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon. Natagpuan ang bangkay ng tatlong sundalo na tadtad ng tama ng bala ang katawan. Ang tatlong sundalo ay kabilang sa Bayanihan Team Activity squad at kinokolekta lamang ang kanilang living allowance sa Manalog Village nang tambangan. Sabi naman ni Luis Jalandoni ng CPP, lumabag daw ang AFP sa usapan. Dumami raw ang mga sundalo sa barangay at nagtanggol lamang ang mga NPA.

Mariing sinabi noon ni Duterte na ayaw daw niyang makipagpatayan, pero kung ang mga sundalo niya ang pinapatay, tuloy na ang giyera.

Ngayong mga pulis naman ang inambus, wala nang kapararakan pa para makipag-usap pa sa CPP-NPA. Huwag nang makipagmabutihan pa sapagkat nagsasayang lamang ng oras. Laban na kung laban.

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with