^

PSN Opinyon

Ang masisiba sa DOJ

BANAT NI BATUIGAS - Jean Marvette A. Demecillo - Pilipino Star Ngayon

ALUMPIHIT ang isang anti-corruption group ukol sa kumakalat na balita na magpapalabas ng tinatawag na “midnight” resolution ang Department of Justice (DOJ) ukol sa mga kontrobersiyal na mga kaso sa darating na mga araw. Ayon pa sa balita, super na makapangyarihan sa DOJ mismo ang susulat ng mga “midnight” resolution at papabor ito sa mga mayayamang negosyante. Sinabi ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment o FATE na hindi sana sila kikibo kung ang layunin nitong  mga “midnight” resolutions ay para mabawasan ang nakabinbin na kaso sa DOJ para iikli ang pila ng mga dokumento sa pag-upo ni incoming Justice Sec. Vitaliano Aguirre. Kaya lang ang balita ni Jo Perez, lider ng FATE, ang mga “midnight” resolution ay may bayad at ang pinakamura ay sa halagang P5 milyon. Siyempre, kapag mas kontrobersiyal na kaso tulad ng qualified theft na isinampa laban sa isang multi-millionaire, mas malaki ang pitsa rito, ayon pa sa FATE.

Alam kaya ni Justice Secretary Emmanuel Caparas na may nagluluto ng kaso para magkamal ng datung na ikasisira ng DOJ o kathang isip lang ng FATE? Ito kaya ang tinatawag nilang justice for sale? Ayon pa kay Perez, nagkukumahog ang “bugok” na opisyal na baguhin ang mga resolution ng mga kontrobersyal na kaso at ilabas ang panibagong desisyon bago maupo si President Rody. Idinagdag pa ni Perez, na ayon sa impormasyon­ na nakalap nila, puwersahang iniutos ng ‘bugok” na opis­yal sa lahat ng mga sangkot na prosecutors na magbakasyon muna sila para hindi mahalata at magambala ang pagmaniobra  sa mga desisyon, kabilang na ang pagbago ng mga petsa ng mga dokumento. Totoo kaya ito? Simula June 3 pala, ay hindi na nagpalabas ng kani-kanilang mga desisyon ang DOJ undersecretaries at prosecutors para magsubsob sila sa kanilang trabaho sa “midnight’ resolutions, anang lider ng FATE. Tiyak may lagda ni “bugok” ang mga bagong desisyon at hindi ito makakalampas sa pagrebisa ni Duterte sa pag-upo niya, di ba incoming Justice Sec. Aguirre Sir? Hehehe!

Dapat sigurong kausapin ni Caparas si Perez para magkaliwanagan ang magkabilang kampo at matukoy kung sino itong “bugok” na sumisira sa kredibilidad ng DOJ, di ba mga suki?  Masyado na kasing kahina-hinala ang ikinikilos ng ilang masisiba sa DOJ. May pinapaboran ba silang partido?. Ang qualified theft na kaso laban sa multi-millionaire ay ibinasura na ng prosecutor subalit hindi ako magtataka mga suki kung bubuhayin ito ng DOJ, ayon pa sa FATE. Ayon pa kay Perez, halos ilang araw na lang at tigbak na sa puwesto ang masisiba sa DOJ subalit malakas pa ang loob nilo para gumawa ng iskandalo at hindi ito makatarungan. Bukas ang pahina ko sa panig ng DOJ. Abangan!

vuukle comment

MARGARITA “MARGOT” OSMEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with