^

PSN Opinyon

Tamang pagkain ng prutas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

ALAM mo ba na ang pagkain nang maraming prutas ay nakatataba? Kahit na masasabi nating masustansya ang prutas at mayaman sa bitamina at fiber, huwag din sosobra sa pagkain nito.

May mga tao na mahilig sa mangga at nakauubos ng isang mangga bawat kainan. Kaya hindi kataka-taka na napakataba nila. Kaya para mapanatili ang iyong diyeta, alamin natin ang tamang pagkain ng prutas:

Tip No. 1: Magbawas sa mga dried fruits.

Kumpara sa sariwang prutas, ang mga pinatuyong prutas ay napakataas sa calories. Ang calories ang ener­hiya o sustansya na ibinibigay ng isang pagkain sa ating katawan. Kapag mas mataas ang calories, mas nakatataba ito. (Para lang may paghahambingan, ang isang tasang kanin ay 200 calories.)

Ang kalahating tasa ng raisins (mula sa tinuyo na grapes) ay may taglay na 219 calories. Mas marami pa sa isang tasang kanin! Ikumpara mo ito sa isang man­sanas na may taglay lamang na 70 calories.

Tip No. 2: Magbawas sa mga de-latang prutas.

Ang mga de-latang prutas ay kadalasan nakababad sa matamis na syrup, at ito ang nagpapataba sa iyo. Sa katunayan, mas mabuti ang natural na asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kaysa sa white sugar o corn syrup na ginagamit sa mga syrup.

Kaya kung mahilig ka sa de-latang prutas (tulad ng fruit cocktail o peaches), kainin mo na lang ang prutas at bawasan ang pag-inom ng syrup nito.

Tip No. 3: Bawasan ang paglagay ng asukal o syrup sa iyong fruit shake.

Isa sa pinakamasustansyang inumin ay ang paghalo ng mansanas at carrots sa isang fruit shake. Panlaban ito sa kanser at puno pa ng bitamina. Ngunit sa paggawa ng fruit shake ay konti lang ang ilagay na asukal o syrup dahil puwede itong magdulot ng sakit na diabetes.

Sa susunod na artikulo ay tatalakayin ko ang iba pang payo sa tamang pagkain ng prutas. Abangan.

vuukle comment

DND

DUTERTE

GIBO TEODORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with