^

PSN Opinyon

Inamin ni Napeñas: SAF duda sa AFP

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LUMANG kaalaman lang ang lumitaw -- at binale-wala -- sa repaso ng Senado sa Mamasapano Massacre nu’ng Miyerkoles. Dati nang lumabas na mali si P-Noy sa pag-atas sa kaibigan pero suspendidong PNP chief na pamunuan ang maselang misyon laban sa international terrorists.

Pinalampas lang muli ang pahayag ni SAF chief Getulio Napeñas ng pagduda sa AFP. Anang heneral, naudlot ang O-Plans Wolverine at Terminator nang makapaghanda ang ‘‘kalabang’’ Moro Islamic Liberation Front matapos nila ito ipaalam sa Army. Kaya ginawa nilang T-O-T, o time on target, ang pag-abiso ng O-Plan Exodus sa AFP nu’ng Jan. 25, 2015. Ang ora-oradang pagpapaalaman sa AFP ay nauwi sa kalituhan, turuan ng sisi, at huling pagtulong ng Army sa SAF.

Maraming sanhi ang pagdududa. Isa ay duty. Tungkulin ng Army sa ceasefire na ipaalam ang PNP operations sa truce monitors. Tungkulin naman ng huli na palayuin ang MILF sa lugar. Natural nakakapaghanda ang mga separatista kung sila ang target. Sira ang misyon.

Maari rin dahil sa kapabayaan. Minsan may operasyon na SAF na nangailangan ng aerial support. Nang naghandang mag-scramble ang Air Force ng fighters, naalerto lahat ng MILF units sa paligid. Anang SAF, may enlisted men na kamag-anak mga nasa pook ng MILF.

Sanhi din ang credits at rewards. Tiyak ang promotion at magandang posting ng PNP o AFP commander na makahuli ng international terrorist. Natural, nagpapaligsahan sila ng misyon. Pero naglalaban din para sa pabuya. Napakalaki ng reward para sa pagkuha kina Marwan at Basit Usman: $7 milyon mula sa US at P7.5 milyon mula sa Pilipinas. Bawal tumanggap ng pabuya ang lawmen. Ganunpaman, ang informants mula mismo sa MILF ang nag-aalok ng parte ng makukubra. Kaya, nag-uunahan ang SAF at Army sa paghuli sa dalawa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

AIR FORCE

ANANG

ANG

BASIT USMAN

GETULIO NAPE

KAYA

MAMASAPANO MASSACRE

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

O-PLAN EXODUS

O-PLANS WOLVERINE

TUNGKULIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with