^

PSN Opinyon

Gun ban muli

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SIMULA ng gun ban ngayon. Apat na buwan itong ipatutupad. Ilang tao lamang ang hindi saklaw ng gun ban na puwedeng magdala ng baril sa labas ng kanilang tahanan tulad ng mga mataas na opisyal ng gobyerno – ang presidente, mga senador, kongresista, mga kalihim, mga mahistrado, Ombudsman at iba pa. Kailangan ng special permit mula sa Comelec kung nais pa ring magdala ng baril, pero dapat may sapat na dahilan, katulad ng mga kahero na karaniwang nagdadala nang malaking halaga ng pera. Kaya dito muling nagaganap ang palakasan, para sa mga hindi mapakali kapag walang dalang baril. Mga wala naman talagang sapat na dahilan magdala ng baril. At marami diyan.

Kung bababa ang bilang ng krimen ay hindi pa masasabi, pero base sa mga nakaraang gun ban, hindi ito pinapansin o sinusunod ng mga kriminal. Tila lumalakas pa nga ang loob dahil iniisip nila na maraming hindi armado ngayon, kaya pista para sa kanila. Sana lang ay mas mapagbantay ang PNP sa panahong ito. Dapat mas madalas ang pagpatrol sa mga kilalang lugar kung saan laganap ang krimen. Dapat mas nakikita silang umiikot sa lahat ng lugar, sa lahat nang oras. Kung madadagdagan din ang mga CCTV sa siyudad, mas mabuti. Mahalaga pa rin ang kaligtasan ng mamamayan, partikular sa panahong ito.

Hindi rin mga baril lang ang bawal dalhin sa panahong ito, kundi lahat ng klaseng sandata tulad ng mga patalim, pati na rin lahat ng uri ng bomba. Suspindido rin ang pagproseso ng mga lisensya para sa baril. Maganda sana kung talagang mapapatupad ang gun ban na ito. Sa mga nakaraang buwan, ilang krimen ang naganap kung saan may baril na ginamit. At tila kahit sino ay may baril ngayon. Marami pa rin ang tinatawag na “loose firearms” sa bansa. Para sa mga may masasamang hangarin, ito ang gusto nila dahil walang rekord sa PNP.

Kung ang PNP ang masusunod, mas gugustuhin na gawing permanente na ang gun ban. Pero parang mga iligal na paputok din iyan kapag bagong taon. Hindi talaga mapipigilan. Nasa kultura na ng Pilipino ang hilig sa baril. Tutol rin ang ilang grupo sa permanenteng gun ban. Ang masama lang ay kahit sino ay nakakabili ng baril ngayon, kahit may mga patakaran pa ang PNP. Mga mukhang maaayos na mamamayan pero sa katunayan ay walang karapatang mag may-ari ng baril.

vuukle comment

ANG

APAT

BAN

BARIL

COMELEC

DAPAT

GUN

HINDI

ILANG

KUNG

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with