^

PSN Opinyon

Kapag LP, nananatili matapos mag-resign

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT ba binabawi ang resignations mula sa administrasyong Liberal na ito? Florencio Abad, Joseph Abaya, Proceso Alcala, Jericho Petilla. Lahat sila nagbitiw na noon bilang Secretary of Budget, Transport, Agriculture, at Energy, para umano ilayo si President Noynoy Aquino mula sa mga sablay nila. Pero lahat nanatili dahil ka­ilangan pa umano ni P-Noy ang kanilang (palpak na) serbisyo. Bistado tuloy na wala talaga silang balak umalis. Pakitang-tao lang. Isang LP rubber-band resignee din si Ruffy Biazon, mula Customs. Dinaan niya sa pa-text-text ang resignation, kaya pinunang tuso’t bastos.

Kung hindi LP ang nagre-resign na opisyal, agad ito tinatanggap para makapagpuwesto ng marami pang LP na walang trabaho. Kundi naman, sinisibak sila. Kawawa ang hepe ng patubig, na sinabon ni P-Noy sa publiko, dahil sa nabalam na pagtayo ng mini-dam sa Tarlac congressional district niya. ‘Yun pala siya mismo ang nagpatigil-trabaho, dalawang taon na ang lumipas, dahil sa alitan ng mga kamag-anak niya.

Ngayon si Mar Roxas, mismong LP president bagamat on leave, ang nagre-resign-pero-hindi-pa, bilang Secretary of Interior and Local Governments. Binawi niya agad ang resignation, dahil may assignments pa umano siya mula kay P-Noy. Ito’y matapos siyang hirangin ni P-Noy bilang kahalili sa Panguluhan.

Pagsususpetsahan ngayon si Roxas na gagamitin ang bilyon-bilyon-pisong budget ng DILG para sa pagpapasikat. Ito’y lalo na dahil sa biglang paglitaw ng radio-TV publicity ads niya, na tiyak na daan-milyon ang budget. Naroon din na misteryosong nilipat ng Malacañang sa DILG ang programang pabahay sa kalunsuran, at bottom­-up budgeting ng mga pro­binsiya at munisipyo -- gayung tungkulin ‘yun ng ibang mga regular na ahensiya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ACIRC

ANG

FLORENCIO ABAD

ITO

JERICHO PETILLA

JOSEPH ABAYA

MAR ROXAS

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PROCESO ALCALA

RUFFY BIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with