^

PSN Opinyon

Dating congresswoman, sumama sa bodyguard

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hiniwalayan ng isang dating congresswoman ang kanyang mister at sumama sa matikas niyang bodyguard?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Silvestre “Bebot” Bello III ng 1-BAP partylist, Admiral Reuben Lista, Atty. Jun Crudo, Atty. Cesar Brillantes, Ret. Col. Joe Mina, Karl Macalma at Amadeus Amador Andrada.

Alam n’yo bang hiniwalayan ng dating congresswoman ang kanyang mister para makasama na ang kanyang lover boy na pulis? Ayon sa aking bubwit, nag-file ng annulment of marriage si dating congresswoman at nang maaprubahan ng korte, pina­kasalan kaagad ang kanyang bodyguard na pulis.

Nakikiuso yata si Madam sa isang kongresista, sa isang Cabinet secretary at isang lady justice na nahuhulog ang loob sa kanilang matitikas na bodyguard.

Ayon sa aking bubwit, kahit noong hindi pa hiwalay sa kanyang mister si Congresswoman, lihim na pala itong may illicit affair sa kanyang matikas na bodyguard. Sila ay nagdi-date sa abroad. Ginagawang Quiapo lang ang Hongkong at Singapore. Nakaka­rating pa sila sa Amerika dahil may pork barrel pa noon si Madam.

Dahil annuled na ang kasal ni Congresswoman at binata naman ang bodyguard, nagpakasal sila kamakailan sa Pampanga. Congratulations!

Ang bagong kasal ay sina dating Partylist Congresswoman B. as in Babaeng uhaw at si PO2 C. as in Catalino.

vuukle comment

ADMIRAL REUBEN LISTA

AMADEUS AMADOR ANDRADA

AYON

CESAR BRILLANTES

GINAGAWANG QUIAPO

JOE MINA

JUN CRUDO

KARL MACALMA

PARTYLIST CONGRESSWOMAN B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with