^

PSN Opinyon

No one can duel with the truth

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo ba na may isang dokumentong ginagawang ebidensya  sa pagsasangkot kay TESDA director-Gene­-ral Joel Villanueva sa pork barrel scam  na katawa-tawa?

Ito ay isang dokumentong may letterhead ng Buhay Party-list pero sa ibaba ay si Joel ang may pirma. Kelan pa naging alagad ni Mike Velarde ang anak ni Bro. Eddie Villanueva? Ang hirap sa mga nag-iimbento ng ebidensya ay hindi sila pulidong dumiskarte. Ang katotohanan ay laging mangingibabaw. Very biblical yan.

Hindi puwedeng makipag-duelo sa katotohanan. Posibleng sa panandalian ay makapanloko ka pero tiyak na sa katagalan ay sisingaw ang totoo.

Sa naglulumiyab na usapin sa pork barrel scam, mayroon talagang mga nagkasala at sila ang dapat managot sa batas. Pero mayroon ding iba na kinaladkad lang ang pangalan, at ang mga ito ay hindi dapat parusahan.

Ang problema ay kahit matuwid pa ang layunin ng ating Pangulong Aquino, tila mayroong ilan sa paligid niya na may mga dirty political schemes. Sana ito ang siliping mabuti ng ating Pangulo.

May mga nag-imbento ng mga ebidensya sa pamamagitan ng pamemeke ng pirma. Bukod kay TESDA Director-General Joel Villanueva, ang isa pang nagsasabing biktima ng pamemeke ay si dating Rep. Rodolfo Antonino ng Nueva Ecija.

Aniya, kinukonsidera niyang maghabla laban sa mga nagdawit sa kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga dokumentong hindi naman niya talaga nilagdaan kundi ginaya ang kanyang pirma.

Sa kaso ni Joel, P3.8 milyon lang ang halagang ipina­paratang sa kanya at di kapanipaniwala na ang katulad niya na crime crusader ay ipagbibili ang kanyang dangal sa halagang iyan. Isa pa, may foresnsic findings na ang NBI noon pa na ang lahat ng 21 dokumentong ginagawang ebidensya laban kay Joel ay pulos pineke.

 

               

 

vuukle comment

BUHAY PARTY

DIRECTOR-GENERAL JOEL VILLANUEVA

EDDIE VILLANUEVA

JOEL VILLANUEVA

MIKE VELARDE

NUEVA ECIJA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with