^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Listahan ng mga matatakaw’

Pilipino Star Ngayon

KAHIT na kanino pang listahan ang lumabas kaugnay ng pork barrel scam na minaniubra ni Janet Lim-Napoles, iisa pa rin ang suma, iyon ay lista-han ng mga mambabatas at government officials na matatakaw sa pera. Kahit pa “dagdagan o bawasan” ang mga taong nasa listahan, ang lalabas pa rin, iyon ay listahan ng mga nagsamantala sa pera ng bayan. Habang marami ang naghihirap, walang ma­kain, walang maayos na tirahan, maraming maysakit, marami rin naman ang nagpasasa sa pera na hindi kanila. Sila yung mga matatakaw na matapos pagkatiwalaan ng taumbayan sa panahon ng election ay kakamalin lamang ang pera na dapat ay gagamitin para sa pangangailangan ng kanilang constituents. At hindi lamang kakaunting pera ang pinag-uusapan dito sapagkat bilyong piso ang kinakamal ng mga pinagkatiwalaan ng mamamayan. Para hindi mabisto ang pagkamal ng pera, idinaan sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Napoles. Sampung bilyon ang naibulsa umano ni Napoles. Walang kahirap-hirap. Sa dami ng perang nakamal, pati raw bathtub sa condominium ay pinagtaguan na rin ng pera.

Kung anu-anong listahan ang mga lumalabas ngayon na para bang nililito na ang taumbayan. May listahan ang whistle blower na si Benhur Luy. May listahan din si dating senador at ngayo’y rehabilitation czar Panfilo Lacson at siyempre, mayroon din si Napoles. Noong nakaraang linggo, isinumite na ni Justice Sec. Leila de Lima ang pirmadong affidavit ni Napoles sa Senado. Maraming senador at kongresista ang kasama sa listahan ni Napoles. Pero hindi pa pala final ang sinumite ni De Lima sapagkat ayon sa abogado ni Napoles, mayroon pang second batch na isusumite ngayong linggo at marami pa raw mambabatas at government officials ang kasama sa listahan.

Ang “nakakahilo” rito ay magkakaiba ang mga nasa listahan ni Luy at Napoles. Mayroong nakalista kay Luy pero wala naman kay Napoles at merong nakalista kay Napoles pero wala naman kay Luy. “Nakakahilo” ay hindi malaman kung kaninong listahan ang totoo.

Magkaganoon pa man, kahit pa nga magsulputan ang kung anu-anong listahan ng mga sangkot sa pork barrel scam, iisa pa rin ang suma-tutal, listahan iyon ng mga taong matatakaw at walang kabusugan sa pera ng taumbayan.

 

vuukle comment

BENHUR LUY

DE LIMA

JUSTICE SEC

LISTAHAN

LUY

NAPOLES

PANFILO LACSON

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with