^

PSN Opinyon

Sikat na kongresista tinatakbuhan ang mga pinagkakautangan

SABI NI BUBWIT.... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi na makabayad ng utang ang isang mayaman at sikat na kongresista?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mr. Ruperto Nicdao Jr., presidente ng Manila Broadcasting Company, Judge Felix Reyes ng Marikina RTC, Owel Cabatic ng DZRH, Eugene Rosales at Col. Rey Cabauatan. Congratulations kay Dr. Jose Danilo Diestro ng U.P. School of Medicine from Daddy Levi at Mommy Miel Diestro.

Ayon sa aking bubwit, nagagalit ang sikat na kongresista kapag sinisingil sa kanyang mga utang. Mayaman pa rin si Congressman kaya lang ay kinakapos ng cash.

Ang kanyang yaman ay nakalagay sa mga investment, sa real estate, real properties at iba pang mga negosyo. Yung iba niyang negosyo ay nalugi dahil hindi marunong ang mga kamag-anak niyang namamalakad.

Ayon sa aking bubwit,  kamakailan ay nagpunta ang isang matandang babae sa mansion ni Congressman. Ito ay ang kanyang ninang sa kasal. Isa itong negosyante. Inutangan pala ito ni Congressman ng P1.5 million. Nang puntahan at singilin ni Ninang si Congressman, ito pa ang nagalit at nagdabog. Iniwanan nito si Ninang, sumakay sa kanyang kotse at dumiretso sa airport. Ang kawawang ninang ay naiwang umiiyak sa mansion ni Congressman.

Siguro ubos na ang pork barrel ni Congressman kaya hindi na mabayaran si Ninang.

Ayon sa aking bubwit, ang sikat at mayamang  kongresista na hindi mabayaran ang utang sa kanyang ninang ay si Congressman M.P. as in Mr. Pacleb.

vuukle comment

AYON

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN M

DADDY LEVI

DR. JOSE DANILO DIESTRO

EUGENE ROSALES

JUDGE FELIX REYES

MANILA BROADCASTING COMPANY

MOMMY MIEL DIESTRO

NINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with