^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kinakasangkapan ang kahirapan

-

KAPAG mayroong nakagawa ng kasalanan, halimbawa ay nagnakaw o pumatay, ang karaniwang sinasabing dahilan ay ang nararanasan daw nilang kahirapan ng buhay. ‘‘Kapit sa patalim’’ sabi pa nila kaya nakagawa ng ganoon. At nakakatawa na pati ang reaksiyon ng iba makaraang bitayin ang 35-anyos na Pinoy noong Huwebes sa China, kahirapan daw ang nagtulak sa Pinoy kaya nagawa ang ganoon. At muli sinabing ‘‘kapit sa patalim’’ daw ang buhay sa Pilipinas.

At manganganak pa ng mga opinion na hindi raw sasapitin ng Pinoy ang nangyari kung maganda ang buhay sa Pilipinas. Kung marami raw trabaho sa Pilipinas ay hindi mangangahas ang mga Pinoy na pasukin ang pagbitbit ng droga. Kaya sa dakong huli ang pamahalaan ang may kasalanan sa bawat sinasapit ng Pinoy. Kawawang gobyerno!

Totoo naman na wala ngang trabaho ang nakararaming Pinoy. Noon pa, problema na ang unemployment. Pero hindi naman dapat gawing dahilan o kasangkapanin ang kahirapan para “magbitbit ng droga”. Maraming mahirap na guminhawa sa buhay pero hindi pinasok ang drug trafficking. Maraming mahirap ang nagtiyaga at nagsikap na makakita ng marangal at maayos na trabaho at iyon ang naghatid sa kanila para umunlad sa buhay. Hindi naisip ng mga mahihirap na nagsikap sa buhay ang pumasok sa illegal na gawain gaya ng pagbibitbit ng droga sa ibang bansa. Nagpatulo sila ng masaganang pawis para kumita ng pera.

Ang apat na nabitay sa China, sa aming pananaw ay nahirati sa magaan na pagkita ng pera sa pamamagitan ng pagpupuslit ng droga. Easy money ang gusto nila. Pangako ng sindikato ang malaking pera sa sandaling maipasok ang droga sa bansang destinasyon. May nakalusot sa kanila at nakakamal ng perang pangako. Pero ang lahat nang masamang gawain ay may katapusan. At kahila-hilakbot ang nagiging wakas.

vuukle comment

BUHAY

HUWEBES

KAPIT

KAWAWANG

KAYA

MARAMING

NAGPATULO

PERO

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with