^

PSN Opinyon

'Papatay-patay o pinapatay'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MABILIS na kumilos ang tanggapan ng Department of Labor and Employment-National Capital Region matapos ilapit ng BITAG ang reklamo ng mga empleyado ng Ever Supermarket Commonwealth Branch.

Sa tanggapan ni Atty. Benjo Benavides, ang Officer in Charge, Assistant Regional Director ng DOLE-NCR, nailahad ang reklamo ng mga empleyado.

Tulad ng sinabi ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, bawal ang ginagawang pangangaltas sa sahod ng mga empleyado ng Ever dahil sa losses. Gayundin ang fine kapag umabsent ang empleyado.

Eto rin ang nilinaw ni Atty. Benavides, hindi naaayon sa batas ang panuntunang ito ng Ever sa kanilang mga empleyado. Kailangang ibalik daw ng Ever ang mga kinaltas nito sa kanilang mga tao.

Malinaw pa sa sikat ng araw, nilalabag ng Ever Supermarket ang karapatan ng mga manggagawang lumapit sa aming tanggapan.

Kaya naman bilang inisyal na aksiyon ng DOLE-NCR, inatasan nito ang kanilang field office sa Manila na magsagawa ng agarang inspeksiyon sa inirerekla-mong kumpanya. 

Nitong Miyerkules napagkasunduang bibisitahin ng DOLE Manila Field Office Inspectors ang main office ng Ever sa Recto, Manila. Pinahintulutang makasama ang BITAG para sa gagawing pagdodokumento sa kasong ito.

Ang siste, ang dalawang inspektor na inatasan, gumawa ng sariling diskarte. Umaga pa lamang ay tumawag na ang mga BITAG staff ng DOLE Manila Field Office upang malaman kung anong oras lalakad ang mga inatasang inspektor.

Sagot ng opisina, wala pa raw “advice”. Bago ma­nanghalian muli kaming tumawag, sagot nila, nakaalis na raw ang mga inspektor.

Bawal din daw ibigay ang cell phone number ng kanilang magagaling na inspektor dahil hindi raw otorisado ng kanilang tanggapan. Talaga lang ha?

Agad kaming nagpatakbo ng BITAG underco-ver sa Ever Recto, Ma­nila upang silipin kung nan­ doon na nga ang mga inspektor ng Dole Manila Field Office. Subalit negatibo, wala rin sa logbook ang pagdating ng mga ito.

Habang ginagawa ang kolum na ito, wala pa raw report sa DOLE-NCR ang dalawang inspektor na bumisita sa main office ng Ever.

Kasabay nito, bumalik sa aming tanggapan ang mga biktima. Tuloy pa rin daw ang kaltasan sa kanilang mga suweldo.

Hmmm….may naaamoy ang BITAG sa sitwasyong ito. Hindi n’yo kayang pag­laruan ang BITAG at wag na wag niyo kaming susubukan.

Kung ‘yung kanilang boss ay kilos-prontong tumugon sa aming paglapit, inaasahan naming di papatay-patay ang inatasang mag-imbestiga sa rekla-mong ito. Patay-patay nga ba kumilos o pinapatay na ang kaso?

Mag-aantabay muna kami pansamantala sa kasong ito at sa report ng dalawang magaling na inspektor.

vuukle comment

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR

BENJO BENAVIDES

DOLE

DOLE MANILA FIELD OFFICE

EVER RECTO

EVER SUPERMARKET

EVER SUPERMARKET COMMONWEALTH BRANCH

INSPEKTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with