^

PSN Opinyon

Ano ibig sabihin ng autonomous?

- Al G. Pedroche -

ANG kahulugan ng autonomiya ay pagbibigay sa isang rehiyon ng bansa ng kapangyarihang pamahalaan ang sarili. Pero bakit ang Presidente ng Pilipinas ay nanghihimasok sa napipintong eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)?

Sabi nga ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos -”Autonomous means, Malacanang keep away.” Si Marcos na anak ng yumaong Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos ay chairman ng  Senate committee on local government. Noong isang linggo, isang panukala ang sinertipikahang urgent ni Presidente Noynoy Aquino para sa postponement ng halalan sa ARMM.

Nagbabala si Marcos na hindi dapat manghimasok ang Malacanang sa aspetong political ng ARMM at dapat igalang ang  autonomous status ng rehiyon.

Magugunita natin na panahon pa ni Presidente Marcos ay sinimulan na ang negosasyon para sa pagkakaroon ng autonomiya sa Mindanao bilang solusyon sa umiiral na separatist movement sa rehiyon na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.

Sa ganitong pangyayari na sumasawsaw ang pambansang pamahalaan sa suliraning panloob ng ARMM, di malayong magkaroon muli ng pag-aaklas. Naniniwala si Sen. Marcos na kontra sa charter ng ARMM ang ginagawa ng Malacanang maging ang pagtatalaga ng mga officers-in-charge (OICs) bilang kapalit ng mga hinalan na opisyal.

Ibig ng Palasyo na iliban muna ang eleksyon at magtalaga ng mga OIC na pansamantalang mamumuno sa rehiyon.

Dapat suriin ng Palasyo ang katagang “autonomous” at igalang ito upang maipakita ang sinseridad sa mga mamamayan sa Mindanao ani Sen. Marcos.

Nasisira ang diwa ng salitang autonomiya. Parang taliwas ang ginagawang panghihimasok ng gobyerno sa political affairs ng isang autonomous region na dapat may sariling kapamahalaan. Kung may bill na dapat sertipikahang prayoridad ang Pangulo, walang iba kundi ang panukala para magkaroon ng access sa mga kritikal na impormas­yon sa pamahalaan ang mamamayan. Ang Right of Information Act na noong nangangampanya pa si P-Noy ay ipinangakong mamadaliin ang pagpapatibay. Saan na?

vuukle comment

ANG RIGHT OF INFORMATION ACT

AUTONOMOUS REGION

FERDINAND MARCOS

MALACANANG

MARCOS

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

PALASYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with