^

PSN Opinyon

Ilang boto para maalis si impeached VP Sara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Dapat ba 16 boto para hatulan si impeached VP Sara Duterte?

Oo. Pero ‘yan ay kung kumpleto ang bilang ng mga senador.

Saad sa Konstitusyon, Artikulo XI, Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan, Seksyon 3 (6) na “dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Senado” para magparusa. Sa simpleng arithmetic, kung kumpletong 24 ang mga senador ay 16 dapat ang boto sa pagparusa.

Pero kakaiba ang sitwasyon ngayon, ani retired Supreme Court justice Antonio Carpio. At kinakatigan siya ng mara­ming constitutionalists at dekano ng law schools. Anila:

• Suspendido sa pwesto at naka-piit si Senator Jinggoy Estrada sa kasong plunder at graft. Dahil du’n, hindi siya maari umaktong senator-judge at sumapi sa paglilitis.

• Nagtatago si Senator Bato dela Rosa. Umiiwas sa arrest warrant ng International Criminal Court sa sakdal na crimes against humanity.

Kaya ang bilang ng “lahat ng mga senador” ay 22 lang. At ang dalawang-katlo ng 22 ay 14.66 o 15 na boto.

Dalawang beses na nagpasiya ang Korte Suprema sa ganyang pagbilang ng dami ng senador: People v. Maceda at Trillanes v. Pimentel. ‘Yan ang dahilan kaya hindi sumali at bumoto sina Senador Sonny Trillanes at Leila de Lima nu’ng may sakdal silang rebelyon at drug trafficking. Pareho silang na-abswelto kaya nakabalik sa Senado.

“Lahat ng nakakulong, preventive detention man o sentensyado, ay hindi maari… maupo sa puwesto,” anang Korte.

Napapabalitang may dalawa pang mawawalang senador. Isa ay isasakdal din ng plunder, at isa pa ang wanted ng ICC.

Kung nagkataon, 20 na lang ang maglilitis kay VP Sara at 14 na lang ang boto para parusahan siya.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SARA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with