^

PSN Opinyon

LTO umaksyon sa carjacking

- Al G. Pedroche -

NATALAKAY ko kamakailan ang posibleng sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa talamak na carjacking sa bansa. Nasabi ko na hangga’t walang-kibo si LTO Chief Virgie Torres, hindi mawawala ang cloud of suspicion laban sa kanyang tanggapan at pati na sa kanya.

Para tayo maging patas, gusto kong bigyan ng espasyo ang aksyon ni Torres matapos makaladkad ang pangalan niya sa usapin ng carjacking. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Torres na pinabubusisi niya ang mga tauhan ng LTO na posibleng kakutsaba ng sindikato ng carjacking.

Siguro sasabihin ng iba this is one way for Torres to save her face. Pero bigyan natin siya ng benefit of the doubt kahit hindi ako naniniwalang siya ang dapat magpasimula ng imbestigasyon. Ayon sa kanya, buo na ang task force na pamumunuan ni LTO Executive Director Redentor Torres upang manguna sa pag-imbestiga sa mga tauhan na pinaghihinalaang sangkot sa carnapping syndicate. Aniya walang sasantuhin sa imbestigasyong ito. Pananagutin at parurusahan ang mga mapapatuna-yang sangkot.

Kunsabagay, hindi lang naman LTO ang dapat panagutin kung may nairerehistrong nakaw na sasakyan. Bago marehistro sa LTO, kailangan munang kumuha ng kaukulang papeles mula sa PNP na nagpapatunay na ang sasakyan ay hindi nakaw. Naririyan din ang kaukulang macro etching certificate na iniisyu ng PNP Crime Lab na isang rekisito bago irehistro sa LTO ang sasakyan.

 Naniniwala akong dapat magkaroon ng disinterested body na siyang gagawa ng karampatang imbestigas- yon. Without prejudice to Asec. Torres, hindi magiging kapanipaniwala ang pagsisiyasat kung ang nagsi-siyasat ay pinagdududa-han din.

Hindi lang LTO ang da­pat busisiin kundi pati ang sangay ng PNP na may ki­nalaman sa pagpapala- bas ng mga clearance sa mga inirerehistrong sasakyan. Kung malilinis ang sistema sa mga katiwaliang ganito, natitiyak ko na mababawasan nang malaki ang kaso ng car-jacking sa bansa.

vuukle comment

ANIYA

ASEC

AYON

CHIEF VIRGIE TORRES

CRIME LAB

EXECUTIVE DIRECTOR REDENTOR TORRES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with