^

PSN Opinyon

Nasa Elias St., Sta. Cruz ang pugad ni Pornillos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

EWAN kung totoo ang ipinagyayabang ng enkargadong si Mike Pornillos na bagyo siya kay Manila Mayor Alfredo Lim. Ayon sa kausap ko, sinisiguro raw ni Pornillos na hindi siya matatanggal bilang enkargado ng Station 3 ng Manila Police District (MPD) dahil sa connection kay Lim. Si Pornillos ang nasa likod ng malawakang operation ng video karera at droga sa sakop ng Station 3 na pinamumunuan ni Supt. Afalla. Ang pugad niya ay sa Elias St., Sta. Cruz, sa likod mismo ng SM San Lazaro. Kinakalong din kaya ni Chairman Ernesto Logarta ng Bgy. 351 Zone 35 ang illegal na gawain ni Pornillos? Sinabi ng kausap ko na may kinalaman din si Pornillos sa madalas na nakawan ng mga motorsiklo sa area. Kung gusto ni Lim na hagupitin si Pornillos para hindi na magisa pa ang pangalan niya, alam na niya kung saan ito hahanapin. Tiyak bibitiwan na nina Caloy, Alex at Nelson si Pornillos kapag naikumpas ni Lim ang kamay na bakal niya.

May sumbong din na nakarating sa akin na si Pornillos at mga katulad niyang enkargado ang nagpapahirap ng buhay ng mga operators ng illegal gambling sa Maynila. Ang enkargado kasi ay hindi pinakikialaman ng mga Station commander basta ang pitsang para sa kanila ay kumpleto kada linggo. Hindi na tinatanong kung saan nanggagaling ang pitsa. Basta tama ang laman ng bulsa si Sir, kuwidaw kung galing man ito sa ilegalista, wala siyang say.

At kasabwat ng mga enkargado ang gambling lord na si Erlan Samson, ng Masagana para lalong yumabong ang sugal-lupa niya sa bakuran ni Lim. Si Erlan ay may 800 puwesto ng bookies ng karera, jueteng na nakatago sa EZ2, ending, lotteng, ball-alai at iba pa subalit maliit lang ang lingguhang intelihensiya niya. Ganito ang modus operandi ni Erlan Samson: Kapag bookies lang ang negosyo mo, hihikayatin ni Samson ang mga kabo mo na mangolekta rin ng taya sa iba pang sugal. At kapag nasita siya, ang ituturo ni Samson na may pakana ng mga sugal ay ang may pa-bookies at presto. Maliiit lang ang intelihensiya niya samantalang marami na siyang palaro. ’Yan ang wais o tuso. At sa ganitong sistema, ang kakutsaba ni Samson ay ang mga enkargado tulad ni Pornillos. Kaya pala sagana si Samson sa ngayon. Teka nga pala, di ba ayaw ni Lim sa jueteng?

vuukle comment

CHAIRMAN ERNESTO LOGARTA

ELIAS ST.

ERLAN SAMSON

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MIKE PORNILLOS

NIYA

PORNILLOS

SAN LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with