^

'Yan ang Pinay!'

CALVENTO FILES - Tony Calvento () - September 12, 2008 - 12:00am

MARAMING MGA ”foreigners” ang narito sa Pilipinas upang magnegosyo. Ang iba ay para mag-aral at ang ilan naman ay para makapangasawa ng Pinay dahil alam nilang iba ang Pinay kung magmahal at mag-alaga.  

Ayon na rin sa datos mula sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) malaking bilang dito ay mga Koreans.

Wala namang masama sa pagdagsa ng mga banyaga sa ating bayan kaya lang kaakibat ng mga kabutihan dala niya, meron din mangilan-ngilan na masasabing “undesirables” o mga pasaway.

August 26, 2008 dumulog sa aming tanggapan ang isang babae na itinago namin sa pangalang “Rita”. Si Rita ay 32 taong gulang. Biyuda at may dalawang (2) anak.

“Tulungan n’yo po ako.... ni rape po ako ng isang Koreano. Naguguluhan na po ako sa mga nangyayari,” pahayag ni Rita.

March 23, 2008 namasukan bilang yaya sa Zambales si Rita sa tulong ng kanyang pinsan na si Ricky Falcunitin.

July 8, 2008 umuwi ng Mindoro si Rita para bisitahin ang mga anak at magulang. July 12, 2008 nung unang magtext si Mr. Kim Jung Gook kay Rita.

Tinanong ni Rita kung kanino nakuha ni Mr. Kim ang num­ber niya. Sabi ni Mr. Kim ay binigay daw ni Ricky ang number nito sa kanya.

Si Mr. Kim ay isa sa mga amo ni Ricky sa Han Jin International Corporation sa Olongapo City.

Nung pabalik na si Rita sa Zambales ay tumawag si Ricky gamit ang cell phone ni Mr. Kim. Sinabi ni Ricky na gustong makipagkita ni Mr. Kim kay Rita.

July 20, 2008 ang unang beses na pagkikita nila Rita at Mr. Kim. Bandang ala syete nagkita sila sa City Mall at ku­main sa McDonalds.

“Sandali lang kami nagkita. Kumain lang kami sa Mcdo at nagkwentuhan. Inamin ko sa kanya na single mom ako at dalawa ang anak ko. Bandang alas nuebe ay umuwi na rin kami,” sabi ni Rita.          

July 24, 2008 nagtext muli si Ricky sa kanya na gusto makipagkita ulit ni Mr. Kim.

Nung una ayaw pumayag ni Rita dahil walang mag­ba­ban­tay sa kanyang inaalagaang bata. Pinilit siya ni Ricky at sinabi nito na ang asawa niya nalang muna ang mag-aalaga sa bata.

Ala syete ng gabi ang kanilang usapan pero alas nuwebe na dumating si Mr. Kim sa City Mall.

Ayon kay Rita lasing ng dumating si Mr. Kim. Hinila siya nito sa Max’s Restaurant. Pagkabigay ng order nila ay nag­punta siya sa comfort room. Medyo natagalan siyang naka­ba­lik dahil maraming tao.

Pagbalik ay umiinom na si Mr. Kim ng beer. Inalok siya nito na uminom pero tumanggi siya at ‘yung ice tea ang ininom ni Rita.

Pagtapos nila kumain bandang alas onse nakaka­ram­dam na ng pagkahilo si Rita pasimple siyang kinaladkad papuntang Congs Motel ni Mr. Kim.

“Hindi ko alam ang aking gagawin. Pagdating sa loob ng kwarto nagpumilit akong lumabas pero pinigilan niya ako at dun na nagsimula ang pambababoy niya sa akin. Nanlaban ako kahit nahihilo at nanghihina ako pero hindi ko rin talaga siya kinaya.” kwento ni Rita.       

Alas kwatro ng madaling-araw na sila nakalabas ng Congs Motel. Nagso-sorry si Mr. Kim kay Rita ngunit hindi na umiimik si Rita. Binigyan siya nito ng P300 pamasahe pauwi. Matapos ang nangyari ay hindi na muli nag-text si Mr. Kim pati na rin si Ricky.

Makalipas ang ilang araw ay nakaramdam na ng sakit si Rita sa kanyang katawan. Pag-umiihi siya ay matinding sakit ang kanyang nararamdaman sa kanyang ari at may kasama pa itong dugo.

Tinext niya si Ricky na kailangan na siyang dalhin sa ospital dahil iba na ang nararamdaman niya ngunit walang natanggap na reply si Rita mula kay Ricky. Pinuntahan ng kapatid ng amo ni Rita na si Norma Resplador itong si Ricky.

Pagdating sa bahay nila Ricky ang nakatatandang ka­pa­tid nito na si Nene Falcunitin ang naabutan ni Norma. Si­nabi ni Nor­ma ang kalagayan ni Rita at sinabi umano ni Nene na “Bakit siya lumalapit sa amin para humingi ng tulong eh masasama ugali namin.

August 2, 2008 nagpasyang magtext si Rita kay Mr. Kim para sabihin ang karamdaman. Humingi siya ng tulong pi­nansyal para makapagpa-check-up sa ospital.

Nakipagkita muli si Mr. Kim sa City Mall. Pagdating dun ay inabot lang ang P1000 at umalis na kaagad. Bago siya tuluyang umalis ay nagsorry muna siya kay Rita.       

Agad na pumunta si Rita sa Gordon Hospital. Sinabi ni Rita ang pagsakit ng kanyang ari tuwing siya ay umiihi kaya in-examine ang kanyang ihi. Ayon sa resulta maraming nana ang nakita sa kanyang ihi kaya niresetahan kaagad siya ng gamot.

Kinabukasan nag-text si Mr. Kim at sinabihan siya na magkita sila City Mall ng alas dos ng hapon.

“Sinabi niya sa akin na babalik na siya sa Korea. Sinabi ko sa kanya na paano na ang sakit na hinawa niya sa akin? May pinakita siyang gamot at ‘yun daw ang iniinom niya. Naisip ko na baka takasan ako nito kaya nag­sinungaling ako at sinabi kong buntis ako,” ayon kay Rita.

Umalis agad si Mr. Kim. Awang-awa si Rita sa kanyang sarili. Nung nasa jeep na siya para umuwi tinext siya ni Mr. Kim at sinabing “I’m sorry and goodbye”.

Nagreply si Rita at ang sabi niya “Its ok. Tomorrow i’ll go to police and report them that you raped me”.

Ano ang sumunod na nangyari? Abangan sa LUNES dito lang eksklusibo sa “CALVENTO FILES at PSNGAYON.” (KINALAP NI JONA FONG)

PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: tocal13@yahoo.com

AKO KIM MR. KIM NIYA RICKY RITA SHY SIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with