^

PSN Opinyon

Mamboboso sa isang motel sa EDSA, nasa surveillance list na ng BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI sa mga tarantado at putok sa buhong tiwali ng lipunan na tinutugis ng BITAG ay nagtatago sa mga legal na establisimiyento.

Nakakubli sila sa naglalakihang gusali nito upang maitago ang kanilang modus at masamang balakin sa kapwa.

Katulad na lamang ng isang e-mail na natanggap ng BITAG hinggil sa isang Lodge o motel na ang espesyalidad ay hindi magbigay ng panandaliang pahingahan sa kanilang mga kostumer, kung hindi ang MAMBOSO.

Walang pakialam ang BITAG kung anuman ang layunin ng mga taong pumapasok at tinatangkilik ang serbisyo ng mga motel.

Kahit anong oras man pumasok dito, sino ang kasama niyo at ilang oras man ang inyong itinagal sa loob, WALA KAMING PAKIALAM dito.

Subalit kapag may lumapit sa BITAG at ganito ang inirereklamo, hindi namin pinalalagpas ito:

Mabuhay po sa inyong programa. Sana mabigyan ng babala ang mga magpupunta sa Liza Lodge sa may Cuneta Ave. Edsa Rotonda. Mago-overnight sana kami ng gf ko, ngunit mga 15mins pa lng pagpasok namen, ininspeksyon ko ang paligid at pinansin ang maliit na bintana na may kurtina sa bandang taas ng pader sa kwarto. At nakita na may manyakis na namboboso doon.

Nireport namen sa reception at sinabi nila na imposible daw na meron tao doon.

Nang paalis na kame ay sinisingil pa kame ng mga makakapal na mukhang empleyado ng Liza Lodge.

Paano na lang ‘yung mga nabiktima nilang iba pang mga panauhin na buong akala ay pribado silang inaaccomodate ng Liza Lodge?

Ang sinasabi kong kwarto ay ang unang unang kwarto sa kaliwa  sa bungad ng pasukan. Meron itong garahe at may bintana sa itaas ng pader malapit sa kama. Sa palagay ko alam ito ng mga nagtatrabaho dun at malamang ay pinagka- ka­tuwaan nila ang pam­bo­boso sa mga kwartong alam nilang pwedeng bosohan.

Salamat sa inyong pagbasa sa email na ito. Sana po ay mahuli ang mga makakapal na muk­hang manyakis na mam­boboso doon.

Alam ng BITAG, alam ito ng pamunuan at mga empleyado ng Liza Lodge. Maaring nagbibingi-bi­ ngihan lang sila sa mga reklamong naipahatid na sa kanila ng mga kostu­mer.

Kayo diyan sa Liza  Lodge, kasama ba ito sa serbisyo ng inyong ne­ gosyo?

Karamihan kasi sa mga kumakalat na pornographic videos ngayon   sa bangketa ay mga hotel, lodges at motel mismo ang may pakana.

Lingid sa kaalaman ng kanilang mga kostumer ay may camera sa loob ng kuwarto.

Mala-CCTV ang estilo at walang kamalay-malay ang mga kawawang kos­tumer na nadodokumen-to na ang kanilang priba­dong ginagawa sa loob.

Baka isa kayo diyan sa Liza Lodge na guma­ga­wa ng ganitong ka­buktutan? Nasa surveillance list na kayo ngayon ng BITAG!

At sa iba pang may nalalaman na ganitong gawain na nasasaad sa kolum na ito, ipagbigay alam agad sa BITAG, matagal na naming target ang mga pindehong motel at hotels na gaya nito.

vuukle comment

BITAG

CUNETA AVE

LIZA LODGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with