^

PSN Opinyon

Alpha Sigma Frat todo suporta kina Mike D. at Gringo

- Al G. Pedroche -
MAY advantage talaga kung ang isang kandidato ay isang fratman lalu pa at bigatin ang kinabibilangang fraternity. Nakuha nina Team Unity senatorial candidate Mike Defensor at Gringo Honasan ang suporta ng kanilang mga brods sa UP Alpha Sigma Fraternity matapos silang iindorso ng mga ito. Siyempre kapag inendorso ng fraternity, hindi lamang sa UP kundi sa lahat ng mga pamantasang may Alpha Sigma ang hatak.

Diyan makikita ang disiplina at impluwensya ng mga frats. Talagang Ipaglalaban ang mga miyembro nito hanggang sa wakas. Kung tutuusin, hindi magkapartido sina Mike D. ng Team Unity at si Gringo (independent candidate) pero hindi partido ang sinasandalan kundi ang kanilang kapatiran. Prestihiyosong fraternity naman ang Alpha Sigma kaya walang dudang ang mga kandidatong iniendorso nila’y maaasahang maglilingkod sa bayan.

Nanawagan ang alumni association ng UP Alpha Sigma Fraternity, sa mga UP student, graduate at buong komunidad ng unibersidad na suportahan ang kandidatura nina Defensor at Honasan.

Dating chairman ng palaban at makabayang National Union of Students of the Students (NUSP) si Defensor at nagsilbi ring pinakabatang miyembro ng gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Mahaba ang tradisyon ng naturang fraternity sa pakikipaglaban para sa ikasusulong ng bansa kahit ano pa ang politikal na paninindigan ng bawat kasapi.

vuukle comment

ALPHA SIGMA

ALPHA SIGMA FRATERNITY

GRINGO HONASAN

MIKE D

MIKE DEFENSOR

NATIONAL UNION OF STUDENTS OF THE STUDENTS

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with