^

PSN Opinyon

Mall parkings, dapat muling busisiin!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
AWANG-awa ang isang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng sumakay ito sa isang taxi cab matapos siyang kunin nito sa Mega Mall parking area kahapon.

Siya kasi ang magbabayad ng P40.00 na ibinayad ng taxi driver na si Leo Simbahon, ng Rodofel Taxi na may plakang NYZ-986.

Mantakin mo malaking hirap iyan sa pasahero porke babayaran niya ang ibinayad ng taxi driver kahit hindi naman siya pumarada todits porke pinik-up niya lang ang pasahero sa may mall parking area.

Naku ha?

Ano na kaya ang nangyari sa inihain ni dating Senator Rene Cayetano na busisiin ang parking fee sa mga Mall?

Sayang nakamatayan na ni Cayetano ang kanyang request sa korte.

Dapat ito ang isulong ng mga mambabatas "ihinto ang paniningil ng parking fee" sa mga sasakyan pumapasok sa malls.

Sana kung alaws nabili ang isang car owner sa Mall at nagpalamig lamang ito doon dapat magbayad sila ng parking fee.

Pero kung may binili, kumain, nanood ng cine echetera dapat ipa-validate ang parking ticket nila at huwag ng singilin. Tumpak, hindi ba?

Paano ngayon kung hindi marunong magpaliwanag ang isang taxi driver na may nagpasundo sa itaas ng mall parking area ?

Tiyak malaking gulo ?

Sabi nga, reklamo dito, reklamo doon ang gagawin sa mga pobreng taxi driver.

"Ano na ba ang nangyari sa korte bakit dehins pa yata nadidisisyunan ang reklamo ng sambayanan regarding parking fee sa mga mall ?" tanong ng kuwagong pobreng kutsero.

"Mahirap pangunahan ang korte alam mo naman sila pero ang bagal nilang magdesisyon" sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Siguro dapat ang mga mambabatas ang gumawa ng batas para huwag ng singilin ang Noypi na may transaksyon sa kanilang gusali"

"Yan kamote ang abangan natin kung sino ang unang babakbak"

vuukle comment

ANO

CAYETANO

CRAME

LEO SIMBAHON

MEGA MALL

PARKING

RODOFEL TAXI

SENATOR RENE CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with