^

PSN Opinyon

Eleksyong maputik di madugo

- Al G. Pedroche -
SIGURO kung may isolated cases ng mga patayang may kinalaman sa eleksyon, mas marami ang kaso ng batuhan ng putik at paninirang puri ng mga kan-didato. Maputik, hindi madugo ang nalalapit na halalan. Kaya tamang-tama ang utos ni Presidente Arroyo sa mga kandidato ng administrasyon. Iwasan ang black propaganda at character assassination sa pangangampanya. Walang personalan. Stick to the issues, wika nga.

Ang Pangulo mismo ay bugbog sarado sa oposisyon sa kanilang kaliwaít kanang akusasyon. Tapos na ang anim na taong termino ni GMA at hindi na tatakbo. Pero inuulan pa rin siya ng batikos, as if iyan na lang ang tanging agenda ng oposisyon para mapaaga ang pag-alsabalutan ni Gloria sa MalacaÒang.

Hindi ko sinasabing huwag maglantad ng katiwalian. Lalung hindi ko inaabsuelto si Gloria dahil Korte lang ang puwedeng gumawa niyan, in due time. Hindi umubra ang mga tangkang impeachement kaya magtiyaga munang maghintay sa tamang panahon. Gaya ng nasabi ko na noon, kung may katibayan laban sa Pangulo, maghintay hanggang matapos ang kanyang termino at doon siya kasuhan. Impeachment has been tried but to no avail. Kasi, kung hindi titigil ang layuning maaga siyang mapatalsik, mawawalan ng direksyon ang bansa at ang magdurusa ay taumbayan. Sa halip na programa sa ikabubuti ng taumbayan ang mapagtutuunang-pansin, puro ìoust GMAî na lang.

Ang hinihintay ng tao ay programang makapag-aangat sa kanilang kapakanan. Paano tayo uunlad kung puro batuhan ng burak ang mangyayari? Ano man ang sabihin laban sa administrasyon, hindi matatakpan ang kapuna-punang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Samantala, sabi ng barbero kong si Mang Gustin na taga-Cotabato, natutuwa siya sa pagkakasali sa_ unity ticket ng Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram III bilang senatorial bet. Okay na strategy daw ito porke huli ng administrasyon ang buong Pilipinas mula sa Solid North hanggang Jolo. Ang Norte ay balwarte ni Chavit Singson na kapartido ni Kiram.

vuukle comment

ANG NORTE

ANG PANGULO

ANO

CHAVIT SINGSON

COTABATO

JAMALUL KIRAM

MANG GUSTIN

PRESIDENTE ARROYO

SOLID NORTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with