^

PSN Opinyon

Hindi nakikinig sa pangaral?

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAPAKA-PAIT ng banggaan sa highway ng Bauang, La Union, nu’ng Enero 3, kung saan 11 teenagers ang namatay at 14 pang babae’t lalaki ang malubhang nasugatan. Ayaw tawaging "aksidente" ng isang brodkaster ang salpukan ng jeepney at truck, kasi ibig sabihin daw nu’y walang control sa mga pangyayari ang mga nagmamaneho, samantalang meron naman. Ang turing nga ng pulis sa insidente ay "kapabayaan".

Napag-alaman na ang jeepney ay overloaded ng 30 pasaherong pauwi sa Benguet mula sa lasingan na beach party nu’ng nakaraang gabi. Sa bubong na nga nakaupo at nakasabit pa sa estribo ang isang dosena. Ayon sa mga saksi, gumewang-gewang ang jeepney sa matarik na kurbada, saka sumalpok sa kasalubong na truck at nahati sa ilang piraso. Napansin ng pulis na amoy alak pa ang ilang pasaherong nasugatan, at may mga bukas na bote ng alak sa jeepney.

Inaalam pa kung ang jeepney driver, isa sa mga nasawi, ay lasing o puyat. Pero malinaw na nilabag ang load limit ng public vehicle, pagbawal sa sabit, at ang Seatbelt Act. Nagtatagayan man sila o hindi, kasabwat sa paglabag ang mga pasaherong sumakay sa bubong o sumabit. Eksaktong isang taon na ang lumipas, isang jeepney din ang sumalpok sa isang truck sa parehong kurbada sa parehong oras, at 12 ang namatay. Overloaded din ang jeepney noon pero kumakaskas din ang kasalubong na truck. Ihahabla naman ngayon ang truck driver na sinalpok nu’ng Enero 3 dahil hindi umiwas sa paparating na gumegewang-gewang na sasakyan.

‘Yan ang problema sa atin. Alam na nga nating bawal magmaneho ng lasing o mag-overload, ginagawa pa natin. Ni hindi natin iniispeksiyon ang sasakyan bago imaneho, tapos ipapalusot natin ay "nawalan ng giya."

Ang mga American Indians nu’ng unang panahon, hinahayaan ang paslit na gumapang patungo sa apoy. Katwiran nila, kapag napaso ito, habambuhay matatandaan ang leksiyon. Tinuturing nating moderno tayo, nagbabasa at nag-aaral. Pero kung umasal tayo, parang walang nabasang batas o napag-aralang alituntunin sa modern safety.

vuukle comment

ALAM

AMERICAN INDIANS

AYAW

AYON

ENERO

JEEPNEY

LA UNION

PERO

SEATBELT ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with