Balik tanaw sa matinong kahapon
October 8, 2006 | 12:00am
UMUWI ako sa Mambusao, Capiz noong isang linggo upang dumalo sa libing ng aking matalik na uncle, si former Comelec Commisioner Flores Bayot na pinsan ng aking ina. Sa Mambusao ako ipinanganak, kaya ang aking pag-uwi ay para na ring isang sentimental journey. Hindi ko alam na ang aking pag-uwi pala ay magiging sentimental journey na rin sa nakalipas na panahon sa ating kasaysayan, sa panahon na matino pa ang election at hindi pa matindi ang dayaan sa labanan ng pagka-Presidente.
Dahil sa kanyang taglay na talino at kasipagan, si Tatay Poyet (ang tawag ko sa kanya) ay naging Commissioner at naging Deputy Executive Secretary sa Malacañang. Bagamat siya ay naging isang makapangyarihang tao, alam kong hindi siya nag-abuso sa kanyang poder at nanatili siyang isang simpleng tao na talagang paglilingkod bayan lamang ang inaatupag. Naalala ko pa nang ako ay dumalaw sa kanya noong ako ay isang hamak na kawani lamang, ngunit ang pag-tanggap niya sa akin ay parang isang VIP.
Habang ako ay nakasakay sa eroplano at pinag-iisipan ko ang kinabukasan ng ating bansa, pumasok sa aking isipan na kung sana si Virgilio Garcilliano ay naging katulad lang ni Tay Poyet na matindi ang paggalang sa Constitution, hindi sana nangyari ang ganoon kabigat na dayaan sa nakalipas na election at hindi sana mahantong sa ganitong kaguluhan ang ating bansa.
Ang karamihan ng ating mga mataas na opisyal ngayon ay katulad din ni Tay Poyet na tapat sa kanilang tungkulin, ngunit napakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay nakalimutan na ang obligation sa bansa at tila yata ang lahat ng kanilang panahon at pagkilos ay nauuwi na lamang sa pagpapayaman at pangungurakot. Maibabalik pa kaya natin ang panahon na kung saan matino ang pagpapatakbo ng ating gobyerno at ang lahat ng pagkilos at decision ng ating mga officials ay naaayon sa batas? Sana ay huwag tayong mawalan ng pag-asa na mangyayari pa ito.
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Fathers Coffee.
Dahil sa kanyang taglay na talino at kasipagan, si Tatay Poyet (ang tawag ko sa kanya) ay naging Commissioner at naging Deputy Executive Secretary sa Malacañang. Bagamat siya ay naging isang makapangyarihang tao, alam kong hindi siya nag-abuso sa kanyang poder at nanatili siyang isang simpleng tao na talagang paglilingkod bayan lamang ang inaatupag. Naalala ko pa nang ako ay dumalaw sa kanya noong ako ay isang hamak na kawani lamang, ngunit ang pag-tanggap niya sa akin ay parang isang VIP.
Habang ako ay nakasakay sa eroplano at pinag-iisipan ko ang kinabukasan ng ating bansa, pumasok sa aking isipan na kung sana si Virgilio Garcilliano ay naging katulad lang ni Tay Poyet na matindi ang paggalang sa Constitution, hindi sana nangyari ang ganoon kabigat na dayaan sa nakalipas na election at hindi sana mahantong sa ganitong kaguluhan ang ating bansa.
Ang karamihan ng ating mga mataas na opisyal ngayon ay katulad din ni Tay Poyet na tapat sa kanilang tungkulin, ngunit napakalungkot isipin na ang iba sa kanila ay nakalimutan na ang obligation sa bansa at tila yata ang lahat ng kanilang panahon at pagkilos ay nauuwi na lamang sa pagpapayaman at pangungurakot. Maibabalik pa kaya natin ang panahon na kung saan matino ang pagpapatakbo ng ating gobyerno at ang lahat ng pagkilos at decision ng ating mga officials ay naaayon sa batas? Sana ay huwag tayong mawalan ng pag-asa na mangyayari pa ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest



















