^

PSN Opinyon

Sa sinumang nakasaksi o may nalalaman sa kaso ni Ding Cruz…

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MAHIGIT sampung buwan ang nakalipas nang patayin sa parking lot ng Price Smart sa Congressional Avenue ang dating Philippine Sports Commission Consultant na si Ricardo "Ding" Cruz.

Subalit, sa kabila ng mga naunang imbestigasyon ng mga alagad ng batas ay patuloy pa ring hinahanap ng pamilya Cruz ang hustisya para kay Ding.

Isang dahilan ay ang kawalan ng karagdagang ebidensiya at ang kaukulang impormasyon o tip upang matukoy ang taong nasa likod ng krimen.

Malaki ang maitutulong ng anumang tip o impormasyong maibibigay ng sinumang may nalalaman o nakasaksi ng pagpatay kay Ding Cruz upang patuloy na maimbestigahan ang kaso.

Isa ang kaso ni Ding Cruz sa mga tinutukan ng BITAG nitong taong 2005 at tinuturing ng na "unsolve case", dahil sa kakulangan ng mga kaukulang mga ebidensiya at kawalan ng mga saksi.

Patuloy na umaasa ang naiwang maybahay ni Ding na si Edna sa magiging kalutasan ng kaso ng kanyang asawa lalo pa’t nasa kamay na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ni Ding.

Sisiguraduhin ng BITAG na pangangalagaan ang pagkakakilanlan ng sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagpatay kay Ding upang maprotektahan.

Sa sinumang may nalalaman sa kaso ni Ding ay makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng BITAG o tumawag sa teleponong 932-53- 10/932-89-19 at sa 0918-934-64-17 o di kaya ay sa tanggapan ng National Bureau of Investigation.

Patuloy na nakatutok ang BITAG sa kaso ng pagpatay kay Ding Cruz upang makamit nito ang matagal na hinihintay na hustisya.
* * *
Manood ng Bahala sina Ben at Erwin Tulfo Brothers sa UNTV 37 mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00am hanggang 10:30am, Simulast sa DZME 1530 khz, 9:00am hanggang 10:00am.

vuukle comment

CONGRESSIONAL AVENUE

CRUZ

DING

DING CRUZ

ERWIN TULFO BROTHERS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PATULOY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CONSULTANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with