^

PSN Opinyon

Desisyon ng SC puwede bang pakialaman ng Kongreso?

- Al G. Pedroche -
MAY panukala sa Mababang Kapulungan na siyasatin ang compromise agreement tungkol sa 5,400 shares ng Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) sa palasak na layuning "in aide of legislation." Ito ay nakapaloob sa House Resolution 1066 na iniharap ni Laguna Rep. Benjamin Agarao, Jr.

Sa tingin ko, ang ganyang panukala ay isang hantarang pag-atake sa Korte Suprema at Sandiganbayan. Ang Korte Suprema ang siyang nagbibigay ng pinal na desisyon sa ano mang usaping kinapapalooban ng interes ng bansa. Binubuo ito ng mga matatalino at piling-piling mahistrado na nagsasagawa muna ng metikuloso at masusing pag-aaral bago magbitiw ng desisyon.

Sa resolusyon ni Agarao, parang tinawag niyang palpak ang desisyon ng Korte Suprema sa pagkilala sa desisyon ng Sandiganbayan tungkol sa POTC shares. Bilang background, ang naturang shares na dating pag-aari ng Marcos crony na si Jose Y. Campos ay ibinigay sa pamahalaan kapalit ng immunity from suit ng huli.

Lumutang ang isang Illusorio na nagsabing orihinal niyang pag-aari ang mga naturang shares na sapilitan umanong inagaw sa kanya ng mga Marcos nang ang mga ito’y nasa kapangyarihan pa. Nagkaroon ng legal battle sa pagitan ni Illusorio, pamahalaan at ng Presidential Commission on Good Governments (PCGG). Kalaunan, nagkasundo sila to settle the matter amicably. Nagkaroon ng compromise agreement at napunta sa gobyerno ang 4,727 shares. Katumbas iyan ng 25 porsyentong pagmamay-ari sa POTC at ang subsidiary nitong Philcomsat. May pormal nang desisyon ang Sandiganbayan tungkol dito na kinatigan ng Mataas na Hukuman.

Ngayo’y kinukuwestyon ito ni Agarao. Lugi raw sa kasunduan ang pamahalaan. Iyan ang gusto niyang masiyasat ng Kongreso "in aid of legislation" kuno.

Alegasyon ni Agarao na nagkaroon ng large scale bribery para mapunta kay Illusorio ang 673 shares. Hindi yata kapanipaniwalang magkakaroon ng milyun-milyng pisong suhulan para lamang sa 6 porsyento ng 40 porsyentong sharegoldings. Naniniwala ako na masusing nakilatis iyan ng ating Mataas na Hukuman at hindi dapat saklawan ang desisyon nito.

Kung ano ang motibasyon ni Agarao para siyasatin ang usaping ito ay siya lamang ang nakakaalam.

vuukle comment

AGARAO

ANG KORTE SUPREMA

BENJAMIN AGARAO

GOOD GOVERNMENTS

HOUSE RESOLUTION

HUKUMAN

ILLUSORIO

JOSE Y

KORTE SUPREMA

LAGUNA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with