^

PSN Opinyon

Congressman na nagpapatayo ng bahay para sa kanyang chiching nabuking ni misis

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nabuking ng misis ng isang congressman na ipinagpapatayo pala nito ng bahay ang kanyang magandang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, 138 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Tata Bert Silva ng DZRH; Arthur Ty ng Metrobank; Mary Jane Abacan, Army Col. Virgilio Pablo, Elmer "Bong" Labog ng KMU; Bert de Guzman, Gie Catanyag ng Interphil Laboratories at Normita How ng Davao City.
* * *
Alam n’yo bang naniniwala na ngayon ang isang congressman na totoo pala ang kasabihang "Walang lihim na hindi nabubunyag".

Ayon sa aking bubuwit, ito ang napatunayan niya nang mabuking ang kanyang illicit love affair sa isang magandang chiching.

Sa kagustuhan ni Congressman na mapaibig nang husto ang chiching ay niregaluhan nito ng house and lot.

Kaya lang, yung bahay ay hindi pa natatapos. Ito ay ginagawa pa lamang.

Ewan ko lang kung matatapos pa ito ngayong nabuking na ng misis ni congressman.

Kasi, giyera patani ang nangyari sa mag-asawa nang mabuko si Congressman.

Ayon sa aking bubuwit, nabuking ang regalo ni Congressman na house and lot sa kanyang chiching nang makakuwentuhan ng kanyang misis ang isa nilang kaibigan.

Aba, mantakin n’yo naman, tuwang-tuwa pa ang kaibigan nina Congressman nang magkita sila ng kanyang misis.

Natutuwa ang kaibigan nila dahil magiging magkapitbahay na raw sila sa isang malaking subdivision sa Parañaque City.

Nang magkita ang misis ni Congressman at ang kanilang kaibigan ay tinanong kaagad kung kailan sila lilipat sa kanilang subdivision.

Nagulat ang misis ni Congressman kung ano ang sinasabi ng kanyang kumare na ipinatatayong bahay. Kasi, ang katotohanan, talagang hindi ito alam ni misis sapagkat hindi naman para sa kanya.

Iyon pala ay regalo ni Congressman sa kanyang chiching.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang house and lot na binili ni Congressman para sa kanyang chiching ay matatagpuan sa Hernandez St., B.F. Homes, Parañaque City.

Naku Congressman, matatapos pa kaya ’yan ngayong nabuking na ng misis mo?

Para ko nang nakikita, ipagbibili ito ni Congressman at bibili ng ibang house and lot sa ibang lugar.

Ang congressman na super galante sa kanyang magandang chiching na bumili ng lote at ipinagpapatayo pa ng bahay ay walang iba kundi si Congressman…

Siya ay taga-Mindanao subalit hindi Muslim na puwedeng mag-asawa ng apat hangga’t kayang suportahan.

Siya ay walang iba kundi si Cong. B. as in B.F. Homes.

vuukle comment

ARMY COL

ARTHUR TY

AYON

CHICHING

CONGRESSMAN

DAVAO CITY

GIE CATANYAG

KANYANG

MISIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with