^

PSN Opinyon

Highest bidder ang panalo?

- Al G. Pedroche -
NAG-AAKUSA ang oposisyon na nagsisimula nang magpakawala ng limpak-limpak na milyones ang administrasyon upang tapalan ang bunganga ng mga testigo laban kay Presidente Arroyo.

Kung totoo ang alegasyon, that means totoo rin ang pahayag ng Malacañang na ang mga testigong inilulutang ng oposisyon ay pulos mga bayaran. Witness for sale.

Malaking balita natin kahapon na aatras na rin ang mga star witness ng oposisyon na sina Sandra Cam at Boy Mayor dahil tinapalan na ng sandamakmak na milyones ng administrasyon para manahimik. Nauna nang nag-about face ang jueteng payola witness na si Richard Garcia. Nag-sorry pa kay Presidente Arroyo at humahagulgol na sinabing tinakot siya ng oposisyon upang idawit sa iskandalo ang first family. Pinatutunayan lamang nito na talagang walang matinong testigo para idiin ang Pangulo sa isyu ng pagtanggap ng jueteng payola at pandaraya sa eleksyon.

Ang nakikita natin ngayon ay maruming laro ng pulitika. Gumagamit ng mga dirty tricks sukdulang umupa ng mga testigo para sirain ang isa’t isa. Kung aling kampo ang makapagbibigay ng mas malaking pabor o presyo ang siyang papanigan ng witness for sale. Kay sagwang sistema kung totoo ang sapantaha ko.

Inuulit ko ang nasabi ko na: Hindi ko kailanman ipagtatanggol ang Pangulo nang walang batayan. Tulad ng nakararaming Pinoy, hangad natin ay lumutang ang totoo para maresolba na ang political crisis na dumudurog sa atin. Paano mangyayari iyan kung ang mga lumalantad na "saksi" ay salapi lang ang katapat?

Sa tingin ko, unti-unting nakababawi ang Pangulo dahil sa mga pangyayaring ito. Katunayan, ayon sa latest survey ng Social Weather Station, bahagyang umigi ang trust rating ng Pangulo mula sa negative 33 na naging negative 24. Marahil, unti-unti na ring nakukumbinsi ang taumbayan na ang Pangulo ay biktima ng maruming pulitika at demolisyon. Posible rin na nakikita ng taumbayan ang masamang epekto ng nangyayaring sigalot pampulitika sa kabuhayan ng bansa na ang pinakamatinding hinahataw ay hindi si Presidente Gloria kundi ang pobreng mamamayan.

vuukle comment

BOY MAYOR

GUMAGAMIT

INUULIT

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE GLORIA

RICHARD GARCIA

SANDRA CAM

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with