^

PSN Opinyon

PBA player nakakatatlo sa siyotang actress-TV host

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ipinagmamalaki ng isang actress-TV host na nakaka-tatlo sa kanya ang siyotang basketball player?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Justice Manuel Lazaro, Peter Paul Sales ng MBC; Christian Justin Rosales, Genevive Capulso, Army Col. Paul Samayo, Bro. Andres Morales III at Bro. Cenon Lumabad Jr.
* * *
Alam n’yo bang ipinagmamalaki ng isang TV host sa kanyang mga amiga sa beauty parlor ang performance sa kama ng kanyang bagong siyotang PBA player?

Ayon sa aking bubuwit, nang magkita sila ng actress-TV host sa isang sikat na beauty parlor ay napag-usapan nila ang kanyang bagong boyfriend.

Kasi, ngayong alam ng marami na may bago nang boyfriend si Actress, kinumusta naman siya ng aking bubuwit.

Dito ay walang preno ang pagkukuwento ng actress-TV host tungkol sa kanyang love life.

Talaga namang idinetalye pa kung ano ang meron sa kanyang siyota at kung ano ang kanilang ginagawa pagdating sa session carnal knowledge.

Talagang walang inilihim, Kiss and Tel talaga.

Ayon sa aking bubuwit, sa mga nakaraang love affair ng actress-TV host, dito raw siya nasiyahan sa kanyang bagong siyota.

Kasi bukod sa mas bata pa sa kanya ang basketbolista, ito ay matikas at magaling pa. Hindi raw katulad ng dalawang ex-boyfriend niya na amoy lupa na.

Ipinagmamalaking amoy baby o amoy gatas pa ang kanyang bagong siyota. Mabangung-mabango at alaga ang kanyang katawan.

Hindi raw katulad ng dati niyang siyotang action star na mahina na ang performance.

Yung isa naman, dati ngang basketball player subalit ito ay mahina na rin umano ang performance.
* * *
Ayon pa sa aking bubuwit, ipinagmamalaki pa nito na malaki ang ‘‘Barangay Chairman’’ ng kanyang boyfriend.

Hindi raw maaring ikumpara sa kanyang mga naging boyfriend. At bukod sa malaki ang hinaharap nito, matibay din umano sa laban.

Ayon sa actress-TV host, ang siyota niyang basketbolista ay nakaka-tatlong game pagdating sa bed.

Ang actress-TV host na lubos na ipinagmamalaki sa mga kaibigan ang kanyang boyfriend dahil sa kanyang magaling na performance ay si…

Ang siyota nitong PBA player ay mula sa koponan ng produktong paborito ng mga bata.

Ito ay mula sa Purefoods Hotdogs. Siya ay si Mr. J.Y.

Ang siyota niyang actress-TV host ay walang iba kundi si Ms. K. as in Karengkeng.

vuukle comment

ACTRESS

ANDRES MORALES

ARMY COL

AYON

BARANGAY CHAIRMAN

CENON LUMABAD JR.

CHRISTIAN JUSTIN ROSALES

HOST

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with