^

PSN Opinyon

Dapat magpakita ng halimbawa si GMA

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMING bumabatikos sa estilo ng pamumuno ni President GMA at parati na lamang salag at ilag ang kanyang ginagawa. Kapag nagkaganito, talagang babagsak ang bansa. Adios patria adorada na!

Sa ngayon, puro na lamang awayan, siraan at pataasan ng ihi ang mga pulitiko. Nagkahati-hati na. Ang matindi pa nito para bang walang pakialam ang bawat panig kung ano man ang kahihinatnan ng kabila, basta ang mahalaga ay mapatumba ang kalaban nilang nasa kabilang panig. Ang naaapektuhan ay ang mamamayan at hindi ang mga hinayupak na mga pulitiko na kung tutuusin ay baka nga nakikinabang pa sa kanilang kadramahan.

Pulitikahan kaliwa’t kanan. Panay pansariling interes ang nananaig. Pati chairmanship at membership sa mga komite, pinag-aagawan at pinag-aawayan. Dahil kapag may hawak kang mahalaga at maimpluwensiyang posisyon sa alin mang kapulungan, pera na. Sikat ka na!

Kung talagang nais ni President GMA na lutasin ang mga problema ng bansa, magpakita siya ng halimbawa. Huwag na siyang makialam sa pulitikahan. Hikayatin niya ang Kongreso na makipagtulungan na sa kanya sa pagresolba sa mga problema ng bansa. Kailangang magpakatotoo siya at hindi plastikan lamang. Kapag ginawa niya ito, makukuha niya ang suporta ng mamamayan.

vuukle comment

DAHIL

HIKAYATIN

HUWAG

KAILANGANG

KAPAG

KONGRESO

NAGKAHATI

PANAY

PATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with