^

PSN Opinyon

Siyanang beauty queen, na trauma dahil sa manyakis na kongresista

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang may trauma na ngayon sa mga kongresista ang isang probinsiyanang beauty queen dahil sa pagiging manyakis ng kanilang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, 56 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Cong. Nonoy Andaya ng Camarines Sur; Rep. Danton Bueser ng Laguna; Rep. Tomas Dumpit ng La Union; Niccolo Fua, Fe Banta at Ricky Lo ng Pilippine STAR.
* * *
Alam n’yo bang nanginginig at ninenerbiyos na ang isang probinsiyang beauty queen kapag nakakarinig ng katagang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, itong beauty queen ay nagka-trauma simula nang makaranas ng sexual harassment mula sa kanilang kongresista.

Batay sa paliwanag ng nasabing beauty queen siya at dalawa pang maganda at seksing chiching ay isinakay ng speedboat at dinala sa pearl farm ni Congressman.

Hayup talaga itong si congressman pre, nasa speedboat palang sila ay nakahawak kaagad si Congressman sa hita ng beauty queen.

At hindi lang sa ibabaw ng kanyang hita kundi sa hita na malapit na sa kabundukan ng langit.

Manyakis talaga ang matandang congressmang ito.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang kasama ng probinsiyanang beauty queen ay mga paga-daisy otso anyos, mestisahin at magaganda. Sila ay kukunin daw na secretary o gagawing staff ni Congressman. Samantalang si Beauty Queen ay tutulungan daw makapagtayo ng negosyo.

Dinala ang mga ito sa pearl farm at pinakain sila ng hapunan. Matapos mag-dinner, dakong 7:30 pm, ang tatlong magagandang chiching ay isa-isang ipinatawag ni Congressman sa kanyang kuwarto.

Sandali lamang kinausap ni Congressman ang dalawang chiching.

Nang si Beauty queen na ang pinapasok ni Congressman, nagulat siya sapagkat nakahiga na si Congressman sa kama sa kuwarto at nakapantulog na.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagulat ang probinsiyanang beauty queen subalit hindi siya nagpahalata.

Kaya lang ninerbiyos na siya nang paupuin siya ni congressman sa gilid ng kamang kinahihigaan. Dito ay umandar na ang pagka-manyakis ng matandang congressman. Sinimulan nang himas-himasin ang buhok ng beauty queen at sabay sabing ‘‘Ang ganda naman ng lips mo, parang ang sarap kagat-kagatin.’’

‘‘Ano ba ang vital statistics mo? Pahawak naman sa boobs mo.’’

Dahil sa ganitong sexual advances ni Congressman, bigla siyang itinulak, sinabihang ‘‘sira ulo’’ at saka nagmadaling lumabas ng kuwarto ang promding beauty queen.

Nanginginig sa galit ang beauty queen subalit wala naman siyang magawa sapagkat sila ay malayo, nasa tabing dagat sa pearl farm ng kongresista.

Ayon sa aking bubuwit, dahil maganda ang beauty queen naging obession pala ni congressman na maka-score dito.

Sa isang town fiesta ay inimbitahan na naman ito, isinakay siya sa helicopter para daw maghulog ng mga kendi sa himpapawid.

Heto na kamo, matapos ang paghuhulog ng kendi ay inilanding naman ng helicopter sa yate mismo ng congressman na naka-dock sa isang pier.

Grabe ka congressman manyakis, dahil sa kagagawan mo ay nagkaroon ng trauma yung beauty queen.

Ang beauty queen na gustong madale ni congressman ay maganda, morena at sexy.

Siya ay itago natin sa pangalang Ms. Pearl.

At ang matandang congressmang manyakis ay si Congressman S. as in Sex Maniac ng Region 4.

vuukle comment

AYON

BEAUTY

BEAUTY QUEEN

CAMARINES SUR

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN S

DANTON BUESER

FE BANTA

QUEEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with