^

PSN Opinyon

Bakit kay Bro. Eddie ?

- Al G. Pedroche -
TANONG ng aking kaibigan: "Bakit kay Bro. Eddie Villanueva ka?" Si Bro. Eddie raw ay wala pang napapatunayang abilidad sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sagot ko "paano niya mapapatunayan ang kakayahang mamuno ng bansa kung hindi siya bibigyan ng pagkakataon." Hindi raw ba parang mapanganib na sugal ang pagtaya ko sa isang kandidatong hindi pa subok?

Kaya tayo sumusubok sa hindi pa subok gaya ni Bro. Eddie ay sa dahilang nasubukan na natin ang karamihan sa mga kumakandidato ngayon. Gaya nang paulit-ulit kong tinatalakay sa kolum na ito, wala tayong natikman ni katiting na positibong pagbabago. At ang katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan ang siyang laging dahilan kung bakit walang pag-unlad ang bansa. Hindi naman matatawaran ang credential ni Bro. Eddie. Bukod sa pagiging evangelist, siya ay isang political scientist at economist.

Tayo ay nasa lipunang ang mga mahirap ay lalung naghihirap samantalang ang mga mayayaman ay lalung nagkakamal ng kayamanan. Sa bansa natin, ang mga maliliit na empleado ay kinakaltasan na ng buwis bago pa man makuha ang kanilang suweldo samantalang ang mga malalaking industrialista ay napapalusutan ang pamahalaan ng bilyun-bilyong pisong buwis.Kung hindi ka pa gagawa ng katiwalian ay hindi ka makatitikim ng ginhawa sa buhay. Di nga ba ang rason ng mga small time drug pushers ay gusto lamang nilang makatawid ng gutom ang pamilya kaya sila nagtitinda ng droga?

Naturingan tayong Kristiyanong bansa pero wala ang Diyos sa gitna ng ating buhay. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo nakatitikim ng tunay na pagpapala ng Diyos. Napapanahong magkaroon ng isang leader na maka-Diyos. Ang plataporma ay nakasandal sa moral recovery. Pagbabago muna ng puso ng bawat tao sa pamamagitan ng pagtanggap sa Diyos bilang giya ng buhay.

Kahit ano ka pa, Kristiyano, Muslim, Budhist, Taoist at iba pa, kung ang relihiyon mo ay walang tunay na relasyon sa Diyos, hindi ka makakagawa ng totoong kabutihan. Pangunahing layon ni Bro. Eddie na magkaroon ng relasyon ang bawat Pilipino sa buhay na Diyos. Kung mangyayari iyan, dun pa lang makakagawa ng tama hindi lamang ang mga umuugit sa pamahalaan kundi bawat taong kanilang nasasakupan at pinaglilingkuran.

vuukle comment

BAKIT

BUDHIST

BUKOD

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

GAYA

SI BRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with