^

PSN Opinyon

"Gulo sa LTO Lucena"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
"We stirred a hornet’s nest" naglathala ako ng email na naka-address kay PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, Ay nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon. Pinadala rin sa akin email. [email protected].

Marahil dapat paki sagot lang ni Ms Lina Estrada, Regional Director Ng Region IV Ng Land Transportation Commission o Ni Secretary Leandro Mendoza, Ng DOTC.

Narito ang iba pang reaksyon na ipinadala sa akin at kanilang mga corresponding email address.
* * *
Hoy Mr. Mendeja nagbabayad kami ng buwis hindi para bastusin kami ng palakasan tulad ng ginawa mo na maging illegal na hepe! Sinu-sino ba ang mga taong tumutulong sa iyo para maging illegal na hepe at hanggang ngayon ay illegal ka paring hepe? Malakas ka siguro kay PGMA kaya hanggang ngayon ay nagagawa mo paring maging illegal na hepe ng LTO Lucena sa mahigit na isang taon. PGMA ito ba ang sinasabi mong strong republic ang maging hepe ang hindi qualified basta malakas sa iyong administrasyon?

"Ferdinand Esteban" <[email protected]>


Heto pa ang isang nagpadala ng email na kaugnay sa isyung ito.


"Ang column mo na "Sulat para kay PGMA" ay nagbigay ng pahayag tungkol sa mga paglabag sa batas ng LTO Lucena ni Mr. Mendeja tulad ng mga sumusunod: bastat mag-asawa ay hindi na dapat pagsamahin sa isang opisina o plantilla dahil NEPOTISM tulad nila Mr. at Mrs. Mendeja; kailangan ang isang opisina o plantilla ay meron lamang isang hepe kaya illegal ang pagiging hepe ni Mr. Mendeja dahil mababa pala ang kanyang rank na Supply Officer 1 (stock/record room custodian) kaysa Mrs. Aguilar na Supervising Transportation Regulation Officer (chief ng LTO Lucena District Office); at mas matindi napalitan pala ni Mr. Mendeja na taga-ayos ng record o stock room ang isang hepe na may mataas na rank ng walang sapat na dahilan. Sa mabilis na panahon napalitan agad ni Mr. Mendja ang kanyang superior ng walang sapat na kadahilanan, sino kaya ang nasa likod ni Mr. Mendeja para maging illegal na hepe? Dahil isang taon na pala si Mrs. Aguilar na nagreklamo sa Civil Service pero hanggang ngayon ay wala paring aksiyon laban kay Mr. Mendeja. Lumalabas na ang Supervisor ng opisina ay under ng taga-ayos ng stock/record room. PGMA ano ang aksiyon mo sa LTO Lucena laban sa illegal ng hepeng si Mr. Mendeja?"

Mary Jane Santos <[email protected]>


Hindi rin nagpaawat si Mr. Miguel Gonzales at inanyayahan kaming pumunta dun ng personal.


"Sa nabasa po namin sa iyong column tungkol sa LTO Lucena, puwede po bang puntahan mo ng personal at iyong imbestigahan ang nasabing opisina ng pamahalaan. Dahil matagal na kaming nalilito kasi dalawa ang hepe; pero salamat po sa column mo dahil nalaman namin na hindi pala tunay na hepe si Mr. Mendeja kundi isang stock room custodian. Sana ay matulungan mo po si Mrs. Aguilar siya pala ang dapat na hepe; at mahigit na isang taon na pala siyang nagreklamo sa Civil Service pero hanggang ngayon under pa rin siya ni Mr. Mendeja."

Miguel Gonzales <[email protected]>


Isa pang bagay ang nais kong panawagan. Siguro dapat nang magsalita itong si Mr. Mendeja.

Ang patuloy mong pagsasawalang kibo, maraming spekulasyon ang tumatakbo sa isipan ng ating mga mambabasa. Bukas po ang aking column at maari kayong mag-email.

Para sa anumang comments o reactions, maari kayong mag-text sa 09179904918. Maari din kayong tumawag sa 7788442.


*Sa puntong ito, nais kong pasamalatan si Grace Sison-Fortune, May-ari ng "Marsifor Management Services" Para sa kanyang tulong. Ang kanilang telephone number ay 4390075. Personalized po ang kanilang service. Salamat GRACE!

vuukle comment

CIVIL SERVICE

DAHIL

FERDINAND ESTEBAN

HEPE

ISANG

LUCENA

MENDEJA

MR. MENDEJA

MRS. AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with