^

PSN Opinyon

Sibakin ang dalawang barumbadong pulis

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HAPPY New Year to all!

Ang isyu, buti na lang at habang rookie cops sina PO1s Russel Keith Ang, 26, at Edgardo Palomares, 26, ay lumabas na ang tunay na kulay ng mga gagong ito.

Miyembro ng Caloocan City Police Task Force North Camarin ang dalawang lasenggong pulis.

Sa beer pa lang ay bumigay na sina Ang at Palomares tinalo kasi sila ng spirit ng alak na kanilang tinungga.

Kaya bumigay ang kanilang utak at nagpaputok ng boga nang walang habas.

Ika nga, ang tamaan ng bala pasensiya.

Siguro, dapat ipa-drug test ang dalawang pigoy dahil hindi tayo naniniwala sa beer lang bumigay na agad ang utak nila.

Baka naman nasa ilalim sila ng impluwensiya ng drugs kaya napagtripan nilang nasa langit sila at nakitang lumilipad sa alaapap si Capt. Barbell?

Baka ang trip nila ay kasama sila sa pelikula ng Wild, Wild West kaya sunud-sunod ang pagpapaputok ng mga ito.

Na-alarma ang mga residente kaya tumakbo ang ilan sa bahay ni SPO4 Jesus de la Cuerva para sabihing may mga kabaro itong nagwawala sa kalye at nagpapaputok ng boga.

Nang dumating sa scene ang ating bida para awatin sina Ang at Palomares ay lalong nagwala ang mga ito at nagkaroon ng agawan ng boga sa pagitan ni Ang at Jesus.

Pumutok ang bogang pinag-aagawan kaya tinamaan si Earl John Aterroza, 21, habang naglalakad, sa kanang paa.

Pinalo umano ng isang matigas na bagay ni Ang si Jesus kaya nagkasugat ito sa ulo.

Isang magandang Christmas gift ng pamunuan ng PNP ang dapat iregalo sa dalawang kontrabidang pulis.

Para hindi na ito tularan ng ibang rookie cops sa mga susunod na pagkakataon dapat sibakin sa pagka-pulis at kasuhan pagkatapos ay ikulong para magtanda sa ginawa nilang kabulastugan.

"Ano kayang magandang iregalo sa dalawang ito?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Tutal New Year naman kaya mas maganda siguro para sa kanilang dalawa ang sibakin sa tungkulin at ikulong," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Tumpak, para hindi na sila pamarisan."

"Kaya PNP bossing Jun Ebdane, Sir, regaluhan mo na ang dalawang ito."

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE TASK FORCE NORTH CAMARIN

EARL JOHN ATERROZA

EDGARDO PALOMARES

JUN EBDANE

KAYA

NEW YEAR

PALOMARES

RUSSEL KEITH ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with