^

PSN Opinyon

Congressman galit sa isang businessman dahil sinusulot diumano ang kanyang GF

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang pinagbabantaan ngayon ng isang kongresista ang isang businessman dahil sa hinalang meron itong relasyon sa kanyang girlfriend?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Sen. Robert Barbers, Amador Abaoag, Avon Sison ng Metrobank, Venus Rebecca Rafael, Nona Ariola, Eric Tiamzon, Barrylyn Munar at Sid Sacramento ng AFP Commissary.

Happy 21st anniversary kina GM Ed Manda ng Manila International Airport Authority.

Congratulations naman kina SVP Rodolfo Salalima at Jonmes Campos ng Globe Telecoms sa kanilang Anvil Award for Public Relations.
* * *
Alam n’yo bang matindi ang galit ng isang kongresista sa isang businessman dahil sa hinalang sinusulot nito ang siyota niyang lady contractor?

Ayon sa aking bubuwit, lihim na nagkikita itong businessman at ang lady contractor. Sinasabi kasi ng lady contractor na wala silang relasyon ni Congressman kaya umentra naman ngayon ang negosyante.

Yun pala ay tuloy pa rin ang kanilang love affair. Dahil pakiramdam ni Congressman ay pinipindeho siya ni Mr. Businessman, ito ngayon ay kanyang pinagbabantaan.

Ayon sa aking bubuwit, habang nagkikita itong negosyante at ang lady contractor, ito pala ay lihim na pinapasubaybayan ni Congressman.

Nalalaman nito kung saan sila nagtatagpo. Sila ay nagkikita pala sa Pan Pacific Hotel, Diamond Hotel, Sheraton Hotel, Edsa Shangrila Hotel, Holiday Inn, Margaret Hotel sa Quezon, Café Havana, 1900 Ballroom at Café Adriatico.

Dahil sa galit ni Congressman sa negosyante, ito ay nagpapadala ng mga banta thru text messages. Ang ilan sa mga text messages ni Congressman sa negosyante ay naglalaman ng ganito…

‘‘Noy, binalaan na kita, tigas talaga ng ulo mo, pasensiyahan na lang tayo.’’

‘‘Cge tingnan natin Noy. Am ur worst nytmare. Iba ako sinasabihan ko muna yung target ko bago tirahin.’’


At ang tindi rito pre ay yung isa pang text ni Congressman…

‘‘Wag kang mag-alala Noy, uunahin ko munang pasabugin ang Trooper mo. Hindi mo pa ako kilala Noy, lahat galaw mo sinusubaybayan ko.’’


Wow, matindi pala itong away ng dalawang ito.

Ipapatumba nga kaya siya ni Congressman?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa galit ni Congressman, nababahala ngayon ang negosyante baka nga totohanin ang kanyang mga banta.

Siya ay nagpa-blotter na sa pulisya at dumulog na rin ito sa tanggapan ng NBI upang ireklamo ang kongresista.

At ang sentro ng hidwaan ni Congressman at ang negosyante ay isang lady contractor na medyo may edad na.

Ito p’re ay paga-Karen na. Karentay singko anyos pero maputi at maganda. Punung-puno pa ng asim.

Ito ay may sasakyang Honda CRV. At ito ay nagregalo pa kay congressman noong nakaraang Pasko ng Rolex watch worth P270,000.

Kaya pala naggagalaiti si Congressman. Ayaw niyang maniwala sa kanya ang chiching na galanteng magregalo at may hawak sa kanyang mga proyekto.

Ang binabantaan naman ni Congressman ay isang negosyante mula sa Bicol region.

Ito ay si Mr. B as in Bicol Boy.

At ang kongresistang nagbabanta sa kanya ay walang iba kundi si Congressman…

Hiwalay ito sa asawa at ito ay kinatawan mula sa Mindanao.

Ito ay si Cong B. as in Baclaran.

vuukle comment

AMADOR ABAOAG

ANVIL AWARD

AVON SISON

AYON

BARRYLYN MUNAR

BICOL BOY

CONG B

CONGRESSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with