May mga kakilala ako na talagang naglalaan ng malaking halaga para sa paputok at pailaw. Makasabog-tenga ang lakas ng ingay ng mga firecrackers lalo na ang Judas belt at bawang. Sobrang pollution din ang dulot ng paputok sa kapaligiran. Makapal na usok at hindi ka na makakita sa sobrang usok buhat sa mga paputok na sanhi rin ng trahedya.
Marami ang isinusugod sa ospital dahil naputulan ng daliri, kamay at iba pang bahagi ng katawan. Sa kabila ng total gun ban tuwing kapaskuhan ay marami pa ring nagpapaputok ng baril na kadalasan ang ligaw na bala ay tumatama sa mga taong natutulog at tahimik sa loob ng kanilang pamamahay. May mga mayayabang at lasing na nagpapaputok sa kanilang baril tuwing New Year at karamihan sa kanila ay mga pulis na animoy naghuhuramentado o nakikipag-duwelo.
Iwasan sana ninyong magpaputok sa Bagong Taon para hindi mapahamak.