^

PSN Opinyon

Video karera dumami; PNP natutulog sa pansitan

-
Mukhang naudlot na naman ang kampanya ng pulisya laban sa nagsusulputang video karera machines sa mga squatters area at maliliit na eskinita ng Metro Manila. Noong panahon kasi ni Director Edgar Aglipay, ang kasalukuyang hepe ng directorate for operations ng PNP, nag-iikot ito sa limang police district headquarters at station ng pulisya para sunugin ang kani-kanilang nakumpiskang video karera machines. Pero sa ngayon, wala na akong marinig na malawakang kampanya laban nga sa video karera imbes dumami pa ang bilang nito at lumawak at hayagan na ang kanilang operasyon. Mukhang natutulog na lang ang pulisya natin sa ngayon sa pansitan ah? Ano ba ’yan.

Kung sabagay, opening ng klase ngayon kaya’t maraming mga kabataan, lalo na ang mga estudyante ay may pera. Kaya hindi sa eskuwelahan ang diretso ng mga estudyante, lalo na sa elementary levels, kundi sa harap ng video karera, di ba mga suki? Hindi lang ’yan. Namomonitor ko rin na kapag may video karera machine, dumarami ang mga drug addict sa kapaligiran. Paborito nilang palipasan kasi ng oras itong ilegal na laro. Sa buong Quezon City ang pinakamalaking video operator ay si alyas Renel. Tiba-tiba siya sa ngayon pero sini-siguro ko na sa pag-upo ni Mayor-elect Sonny Belmonte tagpas ang mga ilegal mo Renel.

Sa Maynila naman, namamayagpag pa rin si Boboy Go, si PO3 Jerry San Juan sa Pasay City, si Boy Recto sa Valenzuela at si Rene Hapon naman sa Malabon at Navotas. May balita pa na itong si San Juan ay kinakalong ng kapatid natin sa hanapbuhay. Hindi ako magtataka kung ang mga ‘‘bataan’’ ni Senior Supt. Sonny Gutierrez, ang hepe ng Southern Police District (SPD) ay naghihinay-hinay lang laban kay San Juan at baka sumemplang sila sa diyaryo. Ang kasama natin ay mahilig mag-café. Hindi naman kaila sa atin na walang sinumang ilegal ang makapagbukas kapag walang basbas ng kapulisan, di ba PNP chief Director General Leandro Mendoza, Sir? Ang tanong, bakit inuuna pa ang kapakanan nitong sina Renel, Boboy Go, Jerry San Juan, Boy Recto at Rene Hapon keysa sa kinabukasan ng kabataan natin?

Kung sabagay hindi lang pulis ang dapat sisihin dito. Maging ang mga local government officials ay may say din dito kaya’t dapat sila rin ay managot sa taumbayan. Isama na natin ang mga barangay officials na tumatanggap rin ng lingguhang intelihensiya sa operators ng video karera. Hindi lang ang mga nabanggit ko ang video karera operators sa Metro Manila. Marami pa sila at ang malungkot pa karamihan sa kanila ay miyembro ng pulisya na natapon sa Mindanao noong panahon ni Senator-elect Ping Lacson.

Sa pagbalik ng mga pulis na video karera operators at mga kotong cops o buwaya sa kalye, malapit nang maniwala ang sambayanan na itong si Lacson ang kasagutan ng nakakahawang sakit ng PNP. Di dapat panay awa, hagupitin mo rin sila Gen. Mendoza, Sir.

vuukle comment

BOBOY GO

BOY RECTO

JERRY SAN JUAN

KARERA

METRO MANILA

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with