^

PSN Opinyon

Boobs ng lady announcer 'pinaglaruan' ng doctor

-
Alam n’yo bang ‘‘pinaglaruan’’ umano ng isang doktor ang boobs ng isang lady announcer?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Kim Urbano, Judge Calimbahin, JM Soria, Kix Santos, Corazon Acyatan, Elo Mallari, Bro. Nani Castelo, Bro. Patrick Rivera at Bro. Rolly Manuel.

Happy wedding anniversary kina Dr. Francisco & Bebot Hipona from Dr. Ferdinand Pagdilao ng Cagayan de Oro City.
* * *
Alam n’yo bang "pinaglaruan’’ umano ng isang doktor ang boobs ng isang lady announcer?

Ayon sa aking bubuwit, noong June 11, 2001, dakong alas-11:30 ng umaga ay nagpa-check up ang lady announcer sapagkat naninikip ang kanyang dibdib at nahihirapang huminga. Nagtungo siya sa St. Camillus Hospital.

Ayon sa aking bubuwit, inasikaso naman siya kaagad ng doktor nang makarating sa ospital. Dinala ito sa kanyang clinic at pinatanggal ang jumper na maong subalit meron namang naiwang T-shirt na panloob.

Habang nakahiga sa examination bed ang lady announcer, hinawakan umano ng doktor ang left boobs nito at hinimas-himas ng circular motion. Pagkatapos ay ipinasok ang kamay sa loob ng T-shirt at gumapang ang kamay ni Dok hanggang sa loob ng bra.

Nang makapasok na sa left boobs ang kamay ni Dok, ito ay muling hinimas-himas. Pati ang nipple ay sinalat-salat din.

Nang mapansin ng lady announcer na iba na ang ginagawa ng doktor sa kaliwa niyang boobs ito ay napailing.

Pero sinabi umano ng doktor na ‘‘Okey lang ’yan, check up lang ’yan.’’
* * *
Dahil sa masaklap na sinapit ng lady announcer, binatikos niya ang doktor sa kanyang radio program. Bagamat hindi pinangalanan ang doktor, nagalit ito sa lady announcer. Nagbanta itong kakasuhan ng libel at ipadedeklara umanong persona non grata sa kanilang probinsiya.

Kapatid kasi ni Dok yung isang board member kaya tinatakot ang lady announcer. Bukod dito ay meron ding tumatawag sa lady announcer at pinagbabantaang may mangyayari sa kanya.

‘Yan ang huwag-na-huwag mong gagawin Dok sapagkat kung may mangyayari sa lady announcer, ikaw ang mananagot.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang lady announcer na ‘‘pinaglaruan’’ ng doktor ang kanyang boobs, ay walang iba kundi si Ms. Blesila Ugtal, station manager ng himpilang Radyo Natin Calbayog City.

At ang doktor naman na may ganang magalit ngayon sa lady announcer ay walang iba kundi si…

Ito ay doktor ng St. Camillus Hospital.

Ito ay si Dr. Manny Rosales ng Calbayog City.

vuukle comment

ANNOUNCER

AYON

DOK

DOKTOR

LADY

ST. CAMILLUS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with