^

PSN Opinyon

Bagong Presidente

- Ni Dadong Matinik -
May bago na tayong Presidente ngayon
Sasaludo ako bago mag-opinyon;
Unang suhestiyon ko tayo ay tumulong
Upang magtagumpay ang administrasyon!

Sa bagong Pangulo’y aking hinihiling
Unang resolbahin ang ‘basura’ problem;
Kung problemang ito’y kanyang uunahin
Mabubuhay tayong gising ang damdamin!

Upang ang pagtulong nati’y magkabisa
Mahalagang tayo’y laging magkaisa;
Hilingin din nating alisin ni Gloria
Ang mga opisyal na sa puwesto’y linta!

Dapat na unahing alisin sa puwesto
Sina Jojo Binay at Aventajado;
Dapat na tandaang ang dalawang ito
Sa dumpsite pa lamang laging problemado!

At ang MMDA na hawak ni Binay
Ay buwagin na lang ng Pangulong mahal;
Mga pondo nito ay dapat ilaan
Sa mga proyekto’t pagawaing-bayan!

Sa totoo lang na nakikita ko
Itong MMDA pang-ubos ng pondo,
Mayroon tayong pulis saka kaminero
Na dapat gumanap sa tungkulin nito!

vuukle comment

AVENTAJADO

BINAY

DAPAT

HILINGIN

ITONG

MABUBUHAY

MAHALAGANG

SINA JOJO BINAY

UNANG

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with