^

PSN Opinyon

Nasa taumbayan ang tagumpay

-
Kasabihan na nothing is permanent except changes. Walang permanente sa mundo. Ang lahat ay may katapusan. Muli itong napatunayan sa pagpapatalsik kay President Joseph Estrada sa pamamagitan ng makasaysayang People Power 2 sa EDSA.

Nakasulat na ang mga palalo ay ibinababa at ang mga mapagpakumbaba ay itinataas. Ang pagkalasing sa kapangyarihan ni Estrada ang nagpabagsak sa kanya. Matalik na kaibigan ni Estrada si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na nagbunyag ng jueteng scandal. Ang pagbubunyag ni Singson ay nasundan ng iba’t ibang akusasyon na humantong sa pagkaka-impeached kay Estrada noong Nov. 13, 2000.

Maraming saksi ng taga-usig ang nalagay sa panganib ngunit ang pangamba nila ay napawi ng ang tinaguriang 11 nang-onseng senador ay bumoto ng ‘‘no’’ para huwag buksan ang envelope ng mga accounts ni Estrada. Iyon ang nagsilbing mitsa para mag-alsa ang taumbayan noong January 16.

Taumbayan ang nangusap. Sila ang humatol at nagpasya na patalsikin si Estrada at naghirang kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na Presidente ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati nang siya’y manumpa, nanawagan siya sa sambayanang Pilipino na tulungan ang mga programang pagbabago na maipatupad sa kapakanan na rin ng mamamayan.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

ESTRADA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ILOCOS SUR GOV

IYON

KASABIHAN

MARAMING

MATALIK

PEOPLE POWER

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with