^

PSN Opinyon

KRUSADA - Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas ?

- Dante L.A.Jimenez -
SA mga nagaganap ngayon sa ating lipunan, napakarami nang mga kuru-kuro ang kumakalat tungkol sa tunay na landas na tinatahak ng ating pamahalaan.

Ang mga naganap sa nakalipas na buwan, kabilang na ang karahasan sa Mindanao at ang paggapang ng ekonomiya, ay nagpapalabas ng sentimiyento ng ating mga kababayan.

Sa aking pananaw, tatlong pangunahing aspeto ang ngayo’y pinangangambahan ng marami sa ating mga kababayan. Ito ang kapayapaan, kaayusan at katiwalian. Isama pa ang ‘‘all out war’’ policy ng pamahalaan laban sa mga kababayang Muslim sa Mindanao.

Aminado ang mga kinauukulan, kabilang na ang mga pulisya, na ang kaayusan sa ating lipunan ay hindi ganap, bagkus, marami pa ring mga biktima ang ninanakawan, ginagahasa at pinapatay. Marami ang nagsasabi na kung mananatiling ganito ang takbo ng sitwasyon, baka ang taumbayan na ang maglagay ng batas sa kanilang mga kamay.

Hindi na rin bago sa pandinig ang lumalalang katiwalian sa ating pamahalaan, kung saan ang mga pahayagan ay hindi nagkulang sa pagbatikos sa lumalaganap na cronyism at pagbibigay ng pabor sa mga mayayaman at maimpluwensiya sa lipunan.

Kung magpapatuloy pa ang mga katiwalian, baka umabot tayo sa yugtong hindi na magbabayad ng buwis ang taumbayan dahil napupunta lamang ang kanilang pera sa bulsa ng ilan at hindi sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Mas masakit pa rito ang posibleng pag-aaklas ng masang Pilipino laban sa pamahalaang nangako sa kanila ng magandang kabuhayan, na hanggang ngayon ay nananatiling pangako pa rin. Huwag naman sanang maganap ang trahedyang ito.

Noong Huwebes ay naging laman ng mga pahayagan ang ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson na kung saan ay muli na namang nasangkot ang pamilya at mga kamag-anak ni President Estrada hinggil sa pagtanggap nito nang malaking halaga ng pera mula sa mga jueteng lords. Ang mga ganitong pangyayari sa ating lipunan, kasabay ng lumalalang krisis sa ekonomiya ay hindi nakatutulong sa ating mga kababayan. Bagkus, lalo lamang tayong nalulugmok sa kahirapan.

Minsan ko nang nabanggit na kailangan nang makinig ang pamahalaan sa mga hinaing ng taumbayan. Marahil ay wala nang ibang paraan ang ating pamahalaan kundi ipatupad ang mga batas nito kung nais pa nitong maibalik ang kaayusang pang-ekonomiya at pang-seguridad sa bansa.

Saan ba patutungo ang ating kinabukasan bilang isang lipunan? Marami ang mga sagot sa tanong na ito, ngunit nauunawaan naman nating lahat ang kasabihang ‘‘Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.’’ Abangan.
* * *


Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa inyong lingkod sa [email protected] o di kaya’y sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa Tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21, Telefax 525-62-77.

ABANGAN

AMINADO

ATING

ILOCOS SUR GOV

MARAMI

MINDANAO

NOONG HUWEBES

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with