^

PSN Showbiz

Dark horse, nagwagi sa Miss U Philippines!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dark horse, nagwagi sa Miss U Philippines!
Chelsea Manalo
STAR/File

Puyat ang mga bading sa pagtutok sa katatapos lang na Miss Universe Philippines noong Miyerkules ng gabi.

Nung Miyerkules ng gabi ipina­kilala ang 52 official candidates ng Miss Universe Philippines, pero Huwebes na ng umaga in-announce ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo ng Bulacan.

Dahil sa sangkatutak na commercials, at ang haba ng paghihintay, inabot ito ng ala-una ng madaling araw.

Kaya ang daming nairita, dahil pinagkakitaan daw nang husto ng Miss Universe Philippines ang naturang kompetisyon.

Sabi nga ng ilan, 90 percent daw ang commercials, 10 percent na lang ang show.

Pero pinagtiyagaan pa ring tinutukan, dahil sa rami ng magaganda, mahirap talagang hulaan kung sino ang manalo.

Ang buong akala namin ang kandidata ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo ang mag-uuwi sa korona dahil sa maganda naman talaga siya, napakaraming fans at maganda naman ang performance niya nung gabing ‘yun.

Pero ang dark horse ang nagwagi, na Manalo rin ang pangalan.

Sabi nga nila, ang buong akala nila Manalo na ang panalo na si Ahtisa ito, pero si Chelsea pala.

Trending ito sa X hanggang kahapon at ang gagaling ng ilang netizens sa kanilang obserbasyon na ito rin ang narinig naming ayaw daw talagang palusutin ni Jonas Gaffud ang nanggagaling sa Binibining Pilipinas.

Simula raw nung taong 2020 ay hindi ibinigay ang korona kina Michelle Gumabao, Sandra Le­monon at Aliza Malinao. Noong 2021 ay hindi rin daw ibinigay kay Katrina Dimaranan, noong 2023 ay ipinagkait din kay Samantha Panlilio, at ngayong taon nga kay Ahtisa.

Kaya abangan natin sa Miss Universe na gaganapin sa Mexico kung kakayaning lumaban ni Chelsea na kakaiba ang kulay nito sa mga inilaban natin noon.

Hindi lang ang kabuuan ng kumpetisyon ang nag-trending hanggang kahapon.

Trending din si Alden Richards na napakaguwapo nung gabing ‘yun.

Pero pinuna ng netizens ang style ng pag-host nito na tila galit daw ‘pag tinawag ang nasa finalists at winners.

Tingin naman namin, tinodo lang ni Alden ang energy dahil sa lumalalim na ang gabi at inabot na ng madaling araw ang naturang kumpetisyon.

Trending din si Marina Summers na nag-opening number, bilang pagbibigay halaga sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Pati ang special guests na si Win Metawin ay super trending din, lalo na’t nag-comment ang Miss Universe na si R’Bonney Gabriel kay Win ng, “What a performance from Win Metawin! I need your skincare routine. Oh my gosh, that was incredible.”

Pero suma tutal, maayos ang hosting stint nina Alden, pati si Gabbi Garcia, lalo na sina Jeannie Mai Jenkins at R’Bonney Gabriel.

Congratulations sa lahat na bumubuo ng Miss Universe Philippines. Abangan naman natin kung ano ang pasabog ng Binibining Pilipinas na tumodo ring nag-trending noong nakaraang taon.

Noong Miyerkules pala ay nagkapirmahan uli ang Binibining Pilipinas at Beautederm sa pangalawang taong partnership nila.

“Ang sarap din na dito ang pinili kasi may nag-o-offer din sa kanila.

“Lahat sila nagpo-post para sa amin,” pakli ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with