^

Metro

Isko, binalaan mga pasaway na dalaw ngayong Undas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso laban sa mga pasaway na dadalaw sa mga puntod sa Manila at South Cemetery kasabay ng apela na idaos ng tahimik at maayos ang paggunita ng Undas 2026.

Ginawa ni Domagoso ang babala kasabay ng kanyang inspeksiyon sa Manila North Ceme­tery kasama sina MNC Director Daniel “Dandan” Tan at  Manila Police District (MPD) Director PBGen. Arnold Santiago.

Ani Domagoso, nakahanda na ang pamahalaang lungsod sa pagdagsa ng mga bisita sa Nobyembre 1 at 2 matapos ang 10 araw na paghahanda ng LGU at ng MPD.

Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng alak, baril at matutulis na bagay, gayundin ang paggamit ng karaoke. Hindi rin papayagan ang mga nagtitinda sa loob ng sementeryo at sa halip ay ilalaan ang mga puwesto sa labas nito. Hinimok din ang mga bisita na panatilihing malinis ang lugar at itapon nang wasto ang kanilang mga basura.

Nagbabala rin ang alkalde laban sa pagtatayo ng mga pansamantalang tulay sa A. Bonifacio ­Avenue dahil maaari itong magdulot ng panganib sa mga motorista. Kukumpiskahin ng MPD ang mga ilegal na estrukturang itatayo sa lugar. Naglaan naman ang sementeryo ng Puntod Finder program at libreng sakay sa pamamagitan ng e-trike, na bibigyang-priyoridad ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Pinayuhan din ni Domagoso ang mga nakatatanda at may karamdaman na kung maaari ay sa ibang araw bumisita upang maiwasan ang matinding siksikan at init. Hinikayat silang magsuot ng face mask bilang proteksiyon laban sa mga sakit. Tiniyak naman ng alkalde na paiigtingin ang pagbabantay ng mga pulis at CCTV cameras upang maiwasan ang pagnanakaw at iba pang insidente sa gitna ng dagsa ng mga bisita.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with