^

Bansa

Tulfo: Hindi ginagawang ‘punchline’ ang kapansanan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Deve­lopment, ang pangungut­ya kay Joshua Aquino sa isang episode ng podcast na “Machong Chismisan,” kung saan tinawag umano itong “walang kwenta.”

Ayon kay Tulfo, hindi dapat gawing katatawanan o “punchline” ang kapansanan dahil walang sinuman ang may kasalanan sa pagkakaroon nito.

Sinabi rin ng senador na nakababahala ang naturang insidente dahil kung nagagawa umano ang ganitong uri ng pangungutya sa isang PWD na nagmula sa kilalang pamilya, mas lalo umanong nararanasan ng mga ordinar­yong PWD ang diskriminasyon.

Iginiit ni Tulfo na malayo na ang narating ng bansa sa pagsusulong ng karapatan at proteksyon ng mga persons with disability (PWD), ngunit ipinapakita aniya ng insidenteng ito na marami pang kailangang gawin upang tuluyang mawala ang diskriminasyon laban sa sektor.

Kasabay nito, binanggit ng senador ang mga panukalang batas na kanyang isinusulong para sa kapakanan ng mga PWD, kabilang ang Senate Bill No. 1405 na naglalayong gawing panghabambuhay ang bisa ng PWD ID para sa mga may permanenteng kapansanan, at Senate Bill No. 1830 na nagtatakda ng mas maayos na access ng mga PWD sa mga tourism site.

“Hindi ginagawang punchline ang kapansa­nan,” diin ni Tulfo.

Dagdag niya, magpapatuloy ang pagsusulong ng mga polisiya at hakbang para mapalakas ang karapatan at kapakanan ng mga PWD sa bansa.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with